Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 30 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

 

Tagalog News: Protektahan ang Vigan Langgonisa– Mayor Medina

ni Ben P. Pacris

VIGAN CITY, Jan. 18 (PIA) -- Ang tanyag at ipinagmamalaking Vigan Langgonisa, ang “One Town, One Product” (OTOP) ng Heritage City, ang pinagtutuonan ng maigting na kampanya ng pamahalaang lungsod hindi lamang para sa promosyon nito kundi sa proteksyon ng tatak-Ilukong produkto dahil sa banta ng “botcha” o “hot meat”.

Ayon kay Mayor Eva Marie Singson-Medina, nabuo ang Task Force Botcha na pinamumunuan ni Dr. Liborio Arca, City Veterinarian, para sa masigasig na pag-monitor sa lahat ng mga karneng baboy na ipinagbibili sa merkado sa siyudad.

Dapat maprotektahan ang sarili nating produktong ito laban sa mga nagdadala ng botcha sa lalawigan lalo na ang mga masasarap na longganisa ng Vigan na dinudumog ng mga lokal at dayuhang turista,” diin ni Mayor Medina.

Sa ulat ni Dr. Arca, na siya rin ang acting city agriculturist, natiklo nila ang isang van na nagkarga noon ng umanol’y “botcha” mula sa Tarlac na ibaba sana sa Vigan Public Market noong Disyembre. Naireport nila ang kasong ito sa PNP Provincial Command.

Naalarma rin ang mga mamimili sa naiulat noon na may mga itinitindang hot dog at sausage na di umano’y hinaluan ng “hot meat”na galing sa ibang lalawigan na baka makalusot sa Ilocos Sur lalo na sa Heritage City.

Sinabi ni Mayor Eva na dapat makipagtulongan ang lahat ng sector ng komunidad kontra sa mga nagpupuslit ng botcha sa siyudad para hindi maapektuhan ang produktong langgonisa at bagnet ng lungsod ng Vigan. Sigurado ang kalidad ng mga gawang langgonisa at bagnet sa Vigan kaya hindi dapat mabahala ang mga kababayan at pati mga turista,” idinagdag ni Mayor Medina.

Iniutos din ni Gov. Singson sa mga kasapi ng PNP na pinamumunuan ni Provincial Director Pol. Sr. Supt. Noel Amoyen na palakasin ang intelligence network at checkpoints sa national highway para maaresto ang mga nagpapalusot ng mga “double dead” na karne sa lalawigan.

Nagreklamo rin ang mga nag-aalaga ng baboy na kasapi sa Ilocos Sur Hog Raiser’s Association na nalulugi na sila dahil may mga negosyante mula sa ibang probinsiya na nagbibiahe ng mga umano’y “hot meat” na ipinagbibili ng mura sa mga tindahan. (ANL/BPP-PIA 1 Ilocos Sur)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines