Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 30 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

 

Tagalog news: Mga guro hinimok ipatupad ang pagtuturo sa mga computer classes

TABUK CITY, Kalinga, Jan. 19 (PIA) -- Hinihimok ang mga pampublikong paaralan na ipatupad ang pagtuturo ng mga computer classes bilang tugon sa Department of Education Internet Connectivity Program (DICP).

Ayon kay Kalinga Division Supervisor Marylinda Santos, upang matupad ito, kailangan himukin ang mga guro na maging computer literate dahil sila ang pangunahing magpapatupad sa naturang programa. Nakapagbigay na aniya ng pagsasanay sa mga guro ng mga computer classes ngunit kinakailangan nilang gamitin ito sa aktuwal na pagtuturo upang hindi masayang ang kanilang mga kaalaman.

Karamihan sa mataas na paaralan sa lalawigan aniya ay nabigyan na ng mga computer units para sa kanilang mga computer laboratory classes. Ang mga nasa mababang paaralan naman ay nabigyan din, kung saan ang mga central schools ay inaatasang bumuo ng isang laboratory room para sa kanilang mga special science classes. Sa katunayan aniya nabigyan din ang mga high school at mga central schools kamakailan lamang ng mga LCD interaactive digital wide screen displays para lalong mapadali ang kanilang pagtuturo.

Sa mga suportang ito ng pamahalaan, inaasahan aniya na nakakapag- hands-on na ang mga mag-aaral sa kanilang mga computer classes.

Ayon kay Santos, hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng mga suliranin sa pagpapatupad ng naturang programa lalo na sa mga bayan na wala pang internet connection at kuryente na umaasa lamang sa generator na kadalasan ay gumagana lamang sa itinakdang mga oras. Dito inaasahang dapat magkaroon ng sariling generator ang mga paaralan upang maging ‘functional’ ang kanilang mga computer classes.

Ang isa pang nakikitang problema ay ang kakulangan ng budget para sa mga computer classes. Kaya kadalasan hindi nagagamit ang mga computer, at ang mga guro at mag-aaral ay umaasa lamang sa mga pagtuturo at pag-aaral ng mga theories.

Ngunit ayon kay Santos ang mga kakulangang ito ay hindi dapat maging hadlang sa pagbibigay ng magandang edukasyon sa mga bata. Dahil isa nang school-based management ang mga computer classes, kinakailangan aniyang gumawa ng paraan ang mga administrasyon ng paaralan , sa tulong ng mga magulang at ang lokal na pamahalaan para maipatupad ang programa at matulungan ang mga mag-aaral.

Sa pakikipag-usap ng may-akda kay Maria Lourdes Antonio, Computer Department Head ng Tabuk National High School (TNHS) main, halos kalahati na ng kanilang mga teaching personnel ay may kaalaman at ginagamit na ang internet connectivity technology (ICT) sa kanilang mga klase. Kada departamento ng TNHS aniya ay meron ding nakalaang pundo para sa pagsasanay ng kanilang mga guro sa makabagong teknolohiya.

Ang TNHS aniya ay pinipilit mabigyan ang lahat ng kanilang 2,008 na mag-aaral ng kasanayan sa computer kahit sa mga regular classes. Sa ngayon ang TNHS aniya ay may dalawang computer laboratory, isa para sa science classes at isa para sa mga regular na mag-aaral.

Ang DICP ay naging bahagi ng public education system nuong 2009 sa mandato ng DepEd Order No. 50. Ang proyekto ay sinimulan sa capital region at unti-unting naipapatupad sa ibang mga lalawigan ng bansa. (JDP/GGD- PIA-CAR, Kalinga)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines