Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 26 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

 

Tagalog News: Tulong puhunan naipagkaloob sa mga Palaweño

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 19 (PIA) -- Umabot sa 70 benepisyaryo ng Self-Employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K) ang nabiyayaan ng tulong puhunan ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ayon sa 2011 Accomplishment Report ng PSWDO, may kabuuang P262,500 ang naipahiram sa mga benepisyaryo ng SEA-K sa mga bayan ng Aborlan at Narra bilang karagdagang puhunan sa kanilang maliliit na negosyo.

Nagkaloob din ang pamahalaang panlalawigan ng P15,000 tulong-puhunan para sa mga detenido ng provincial jail para sa kanilang paggawa ng mga produktong yari sa buri o pandan na bahagi ng kanilang rehabilitation program.

Iniulat din ng PSWDO ang ginawang koordinasyon sa Aral Gabay Aruga Tungo sa Pag-angat at Pag-asa Foundation ni Pinky A. Abellada, kapatid ni Pangulong Benigno Aquino, Jr.

Tatlong Silid Pangarap ang naipatayo ng nabanggit na foundation na may tig-dalawang silid-aralan sa Aborlan Central School, Plaridel Elementary School at Panacan Elementary School sa Narra. Nilagyan din ang mga silid-aralan ng mga kagamitan at naglaan naman ng school supplies para sa mga mag-aaral. Nagbigay naman ang pamahalaang panlalawigan ng P300,000 na tulong para sa nasabing proyekto.

Samantala, naging masinop ang PSWDO sa pangongolekta ng mga napahiram na tulong puhunan sa kanilang mga benepisyaryo dahil umabot sa P337, 010 ang nakolekta mula sa mga ipinahiram na tulong puhunan para sa taong 2011.

Ang mga proyektong nabanggit ay bilang pagsuporta sa adhikain ng pamahalaan na maingat ang pamumuhay ng mga Palaweño sa pamamagitan ng livelihood opportunities. (PIO/OCJ/PIA4B-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines