Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 19 October 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

 

Tagalog News: DA pinasalamatan ni Gob. Mitra

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 19 (PIA) -- Lubos ang pasasalamat ni Gob. Abraham Kahlil B. Mitra kay Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala dahil sa inisyatibo nitong mabigyan ng mga proyektong pang-agrikultura ang Palawan na siyang magpapalakas ng industriya sa lalawigan.

Dumating sa lalawigan si Sec. Alcala kahapon upang isalin kay Mitra ang mga proyekto at makinaryang pang-agrikultura. Kabilang sa mga proyektong pang-agrikultura ng DA para sa Palawan ay ang P498 milyon small reservoir irrigation project na itatayo sa barangay Sagpangan, bayan ng Aborlan.

Isinalin din ni Sec. Alcala ang ilang pasilidad at mga gamit pang-agrikultura sa pamahalaang panlalawigan na siyang mamamahala sa pamamahagi sa mga benepisyaryo sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan sa ilalim ng superbisyon ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Ang ilan sa mga kagamitang ipinamahagi para sa mga benepisyaryo ng Coron, Busuanga, Taytay at Dumaran ay ang mga on-farm mechanization tulad ng 4-wheel tractor, hand tractor, thresher at Post Harvest facilities na pinondohan sa ilalim ng DA-Philippine Mechanization.

Ayon kay Mitra, malaki ang maitutulong ng mga proyekto at pasilidad na ito upang lalo pang lumakas ang kakayahan ng Palawan na maging self-sufficient sa mga produktong pang-agrikultura.

Naglaan din ang DA ng mga proyekto para sa hilagang Palawan, ang ilan sa mga ito ay ang Multi-Purpose Drive Pavement para sa barangay Bagong Bayan sa El Nido at mga barangay ng Sta. Teresita, Alimoto, Sta. Maria at Itangil sa bayan namang ng Dumaran. Gayon din ang flat-bed dryer na ilalagay sa barangay Bagong Bayan sa Roxas at barangay Itangil sa bayan ng Dumaran, ayon kay provincial agriculturist Engr. Teresita Guian. (PIO/OCJ/PIA4B-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines