Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 27 July 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

 

Tagalog News: PNP Provincial Office nabigyan ng 2 patrol car

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 20 (PIA) -- Nabigyan ng dalawang patrol vehicle ang Philippine National Police-Palawan Provincial Office (PNP-PPO) na nagmula sa Directorate for Logistics ng National Headquarters ng PNP sa Kampo Crame.

Ang nasabing mga sasakyan ay isang Toyota Innova at isang Patrol Jeep Toyota Hi-Lux para sa Municipal Police Station ng bayan ng Brooke’s Point.

Pormal itong ibinigay kahapon sa isang simpleng turn-over ceremony sa Kapitolyo ng lalawigan kasabay ng isinagawang New Year’s Conference ng mga kapulisan, kasama si Gobernador Abraham Kahlil B. Mitra.

Ang New Year’s Conference ay simula lamang ng mga darating pa na mga dayalogo sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at Philippine National Police sa taong 2012. Sa nasabing pagpupulong ay ipinarating ni Gob. Mitra ang kanyang taos- pusong pasasalamat sa kapulisan sa kanilang adhikain na mapangalagaan ang seguridad ng taong bayan.

Dumalo sa pagtitipong nabanggit si Police Senior Superintendent at Provincial Director Reynaldo Jagmis, mga Chief of Police ng iba’t-ibang munisipyo sa lalawigan, Company Commander ng Palawan Provincial Public Safety Company at mga Staff Officers ng Philippine National Police.

Bago magtapos ang nasabing kauna-unahang kumperensiya ng taon, nagpulong ang Gobernador kasama ang matataas na opisyal ng PNP sa lalawigan upang talakayin ang mga hakbangin na dapat na bigyang pansin upang higit na mapaigting ang kapayapaan at kaayusan sa Palawan. (LBR/OCJ/PIA4B-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines