Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 13 December 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

 

Tagalog News: Rice sufficiency ng Palawan tumaas noong 2011

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 20 (PIA) -- Nakapagtala ang lalawigan ng Palawan ng 160 porsyentong rice sufficiency level noong 2011, mas mataas kumpara sa 123 porsiento noong 2010, ayon sa accomplishment report ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA).

Base sa datos ng 2011, umabot sa 335,210.24 metriko toneladang palay ang naani sa panahon ng dry at wet season.

Sa bahagi ng rice seed production, patuloy na nasusuplayan ng grupo ng Rice Seed Growers Association ng Palawan ang kinakailangang certified seeds ng mga magsasaka sa lalawigan.

Sa ilalim naman ng corn production, umabot sa 3,116.72 ektarya ang nataniman ng hybrid, open pollinated variety at iba pang corn varieties kung saan umabot sa 7,791.8 metriko tonelada ang naani mula dito.

Samantala, sa ilalim naman ng dibisyon ng High Value Commercial Development Crops, patuloy na namamahagi ang OPA ng mga buto ng gulay sa mga magsasaka gayon din ang pagsasagawa ng mga pagsasanay para mapataas ang produksyon ng gulay.

Ang proyektong Vermi-Culture Composting ay ipinagpapatuloy ng OPA sa Provincial Agricultural Center upang makatipid ang pamahalaang panlalawigan sa gastusin ng mga agricultural inputs. Paraan din ito upang maisulong ang organikong pagsasaka sa lalawigan. Inilunsad din noong 2010 ang Gulayan sa Paaralan na nilalahukan ng tatlong daang paaralan sa buong lalawigan.

Nagpapatuloy naman ang mga pagsasanay para sa rubber production technology. Noong nakaraang taon ay umabot sa 26,000 budded rubber seedlings ang naipamahagi ng OPA sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 10,000 ektarya ang rubber plantation sa Palawan.

Para sa OPA, naging mabunga ang taong 2011 dahil nakapaghatid sila ng ibat-ibang serbisyo sa mga magsasaka at mangingisda upang matiyak ang food security sa lalawigan. (LBR/OCJ/PIA4B-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines