Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 27 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

 

Tagalog News: ‘Guard CARE Project’ kampanya kontra rabis

ni Cherry Joy S. Discaya

LAOAG CITY, Jan. 20 (PIA) -- Para sa mas lalo pang ligtas na alagang hayop, ang programang ‘Guard CARE Project’ na isinasagawa ngayon ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ay patuloy sa pagbibigay ng libreng edukasyon at bakuna kontra rabis.

Ang proyektong ito ay panukala ng Community Against Rabbis Exposure (CARE), isang nasyunal na organisasyon na tumutulong sa pagpuksa sa panganib na maaaring idulot ng rabis sa bansa.

Kabilang sa mga layunin ng proyektong ito ay ang pagnanais na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga tao sa usaping rabis, kung saan planong isali sa kurikulum ng elementarya at sekundarya ang mga karaniwang impormasyon tungkol sa kumakalat na virus.

Isa din dito ang pagpuksa sa pinanggagalingan ng ‘virus’, partikular na sa mga aso. Kadalasan daw kasi ay apektado din ng rabis ang iba pang hayop na kung tawagin ay ‘mamals’ kagaya ng mga baka at kalabaw.

Maliban pa sa mga ito, layunin din ng programa na ipaalam sa mga tao ang tungkol sa pagkakaroon ng mga batas ukol sa nasabing adhikain, tulad ng Animal Welfare Act at Anti-Rabbis Act na pawang nagpaparusa sa mga taong lumalabag dito.

Ayon kay Dr. Loida Chee, provincial veterinarian ng Ilocos Norte, bukod sa libreng bakuna, nagsasagawa rin sila ng lektyur sa kahalagahan ng pagsasagawa ng regular na pagbabakuna sa mga opisyales ng barangay.

“Sa programang ito, inuuna pa rin naming ang regular na pagbabakuna, para masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, kasi binabalewala lang nila ang rabis, sa ganitong paraan, mas malalaman nila ang kahalagahan” sabi ng doktor.

Tinututukan din ngayon ng ahensya ang pagtuturo sa mga tao sa hindi magandang dulot ng pagkain ng karne ng aso. Malaki kasi ang posibilidad na maaaring makakuha ang mga tao ng rabis dito. Iminumulat din nila ang mga tao sa batas na nagbabawal sa pagkatay at pagkain sa mga ito.

“Hindi lamang rabis ang maaari nilang makuha sa pagkain ng karne ng aso, marami pang iba’t ibang sakit. At nais naming bigyang-diin na ang aso ay hindi naman talaga kinakain,” dagdag pa ni Dr. Chee.

Sa ngayon, nasa proseso ng pagkuha ng mga magboboluntaryo para sa nasabing proyeko. Nangangalaingan ng mahigit isang libong boluntaryo para maisakatuparan ang layunin ng nasabing ahensya na gawing ligtas ang lahat ng alagang hayop sa bawat barangay sa lahat ng munisipyo sa probinsya. (ANL/CJD-PIA 1 Ilocos Norte)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines