Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Saturday, January 21, 2012

 

Tagalog news: Special permit ng mga quarry operators hanggang sa katapusan na lamang

KORONADAL CITY, Enero 21 (PIA) -- May hanggang sa Enero 31 pa ang mga quarry operator sa South Cotabato para gamitin ang kanilang special permit.

Ayon kay Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. pinagbigyan nila ang kahilingan ng mga negosyante na pahabain ng ilang linggo ang ibinigay na special permit.

Subalit binigyang-diin ng gobernador na hindi na magbibigay ng karagdagang special permit ang pamahalaang panlalawigan matapos ang deadline sa susunod na linggo.

Paliwanag ni Pingoy pinayagan niya ang pagpagpapalawig ng special permit upang makompleto ng mga quarry operators ang mga kinakailangang dokumento tulad ng Commercial Permit at Environment Compliance Certificate.

Ang special permit ay ibinigay ng mga ng pamahalaan ng probinsiya sa mga quarry operators habang pinoproseso nila ang kanilang mga kinakailangang dokumento para sa commercial operation . May bisa ito na anim na buwan at isang beses lang maaaring ma-renew.

Matatandaang noong Oktubre nagdesisyon ang pamahalaang panlalawigan na ititigil na ang paglalabas ng special permit to quarry kasunod ng aksidente sa isang quarry sa bayan ng Polomolok na ikinamatay ng isang menor de edad.

Kasabay rito sinabi ng gobernador na tanging regular permits na lang ang kanilang ibibigay na may kaakibat na mas mahigpit na mga kondisyon at regular na monitoring.

Pinag-aaralan din ng pamahalaang panlalawigan ang pagtatalaga ng kumon na quarry area sa bawat bayan sa halip na payagan ang mga quarry operators na maghukay sa iba’t- ibang lugar at ilog upang mas madaling ma-monitor at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng paligid. (KJNavecis/ PIA12)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines