Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 24 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Saturday, January 21, 2012

 

Tagalog news: Poultry and animal farm sector, hinikayat na makiisa para sa pangangalaga sa Taal Lake

BATANGAS CITY, Enero 21 (PIA) -- Matapos maisaayos at mabawasan ang mga illegal na fish cages sa Taal Lake, pagtutuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ang iba pang mga kaganapan na pinaniniwalaang nakaka-apekto sa kundisyon ng tubig sa lawa.

Partikular na tinukoy sa isang pagpupulong sa pagitan ng mga kinatawan ng Batangas Egg Producers Association at United Hog Raisers of Batangas at opisyal ng Provincial Government ang isyu ukol sa waste water na napapaulat na direktang itinatapon sa lawa na nagmumula sa upper river tributaries ng mga bayan na nakapaligid sa Taal lake at iba pang karatig bayan.

Pinamunuuan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Task Force Taal lake Chairman Victor M. Reyes ang dayologo na naglalayong hingin ang ekspertong tulong at pakikiisa ng mga may–ari ng malalaking poultry at animal farm na ipakalat sa mga iba pang naghahayupan ang tamang waste disposal.

Sa harap ng mga major players sa larangan ng animal and poultry business sector, hinikayat ni Santos-Recto na bukod sa patuloy na pagtulong sa pagtataguyod ng primerang poultry and meat products na gawa sa lalawigan, hiniling nito na maging isa sa mga pangunahing kabalikat ng lalawigan ang samahan sa pagtataguyod ng kalinisan ng lawa ng Taal.

Ito umano ay bunsod na rin ng kanilang malawak na ekperiyensya at ekspertong kaalaman ukol sa tamang pamamalakad ng malalaking animal farms na makakatulong sa mga backyard farmers at iba pang mga nagsisismulang mga magsasaka ukol sa waste water treatment and disposal sa pamagitan ng septic tank system at methane gas collection facility.

Ayun sa pag aaral at datus na inilabas ng DENR, bukod sa mga dumi na naiiwan ng mga fish cages, lumabas sa pag-aaral na isa rin sa malaking dagdag sa pagbaba ng kalidad ng tubig sa lawa ay ang mga dumi at tubig na direktang pinaagos mula sa iba't -ibang establisimiyento tulad ng mga subdibisyon, commercial industry at animal farms na malapit sa mga ilog na karugtong sa Taal Lake.

Sa pagsisimula ng pagsasaayos, magsasagawa ng malawakang inspeksyon ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawigan at DENR-CENRO sa mga animal farm upang tukuyin ang mga dapat isaayos at pagandahin ang kundisyon ng kanilang sewage system.

Ayon kay TFTL Chair Vic Reyes, ang isasagawang inspeksyon ay hindi nangangahulagan na ipasasara ang mga poultry at piggery farms kundi ito ay isang hakbang ng pagsasaayos ng kanilang farm system, na makakatulong hindi lamang sa lawa kung hindi sa komunidad na kanilang nasasakupan.

Sa pagtutulungan ng dalawang sektor, ipinaabot ni Santos-Recto sa poultry and animal industry ang kanyang tugon sa larangan ng pagpapalakas ng produksyon at mabisang transportasyon ng kanilang produkto sa pamamagitan ng pakikipag-uganayan sa mga LGU’s na tangkilikin ang sariling produkto ng Batangas ganun din sa mga karatig lalawigan sa bansa. (Edwin V. Zabarte, PIO-Batangas/PIA-Batangas)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines