Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 23, 2012

 

Bilang tugon sa Millennium Development Goals: Livelihood projects at skills training ilulunsad para sa mga mahihirap sa Ilocos Sur

VIGAN CITY, Enero 23 (PIA) -- Pinagtutuunan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Sur ang kampanya laban sa kahirapan upang maiantas ang maralitang pamumuhay ng mga mahihirap na kababayan.

Ayon kay Gov. Chavit Singson, ilulunsad sa taong ito ang mga livelihood projects at skills training na magpapaunlad ng industriya ng turismo para makalikha ng maraming trabaho na siyang magpapa-usbong ng ekonomiya ng lalawigan.

“Prayoridad ang pagtulong sa mga mahihirap nating mga kababayan, yaong mga marginalized farmers at fishermen, yaong mga nasa upland towns at depressed areas pati na rin ang pagpapaunlad sa mga OTOP,” idiniin ni Singson.

Sa pamamagitan ng ‘Kapitol Outreach’ Program, ipinaparating ng provincial government at iba’t-ibang sangay ng pamahalaang national ang mga programa at serbisyo sa mga naninirahan sa mga malalayo at mala-bunduking lugar “para madama nila ang katas ng progreso,” sinabi ng gobernador. Mapagkakalooban pa sila ng tulong pinansiyal para sa mga proyektong pangkabuhayan.

Maglulunsad pa ang lokal na pamahalaang probinsiya ng Foot Spa at Massage Training sa mga kabataang hindi nakapag-aral o iyong mga walang hanapbuhay simula sa Pebrero sa Baluarte sa Vigan City para maipasok sila sa trabaho pag nakatapos na sila, saad ng gobernador.

Tumutulong pa ang pamahalaang lokal sa pagpapasok sa trabaho sa abroad lalo na sa Middle East ang mga nagtapos ng libreng vocational at technical courses tulad ng welding, heavy equipment operators at carpenters na walang placement fee na babayaran ng mga aplikante, kabilang ang mga gusting magdomestic domestic helper sa Singapore.

Sa Barangay Demo sa bayan ng San Juan, isang model demo farm sa Ilokos, na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang probinsiya, nagbukas na ng libreng kursong agrikultura at fisheries para sa mga kabataan sa pamamagitan ng Ilocos Sur Community College na may sangay sa nasabing munisipalidad. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga baka na maaaring mapasa–kanila.

Samantala sa Heritage City, ang pagtulong sa mga mahihirap ay tinututukan din ng lokal na pamahalaan ng siyudad na pinamumunuan ni Mayor Eva Medina sa pamamagitan ng “Raniag Ti Masakbayan” Program (Ilaw ng Kinabukasan) na nagbibigay ng livelihood projects at pagsasanay sa mga mahihirap na pamilya para makapag-negosyo.

Napagkalooban ng livelihood projects ang 26 na indigents noong nakaraang linggo sa siyudad batay sa rekomendasyon ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (DSWD) sa pamamagitan ng pag-aalaga ng biik, baka, kambing, at manok maliban pa sa pagpapatayo ng sari-sari store.

Mapipili pa ang mga pinakamahihirap sa mga barangay sa dating Ciudad Fernandina para matulungan ng gobyerno, kanya “bawal ang tamad sa Vigan,” diin ng alkalde.

Puntirya na mababawasan ang kalahating bilang nga mga mahihirap sa Vigan hanggang 2013 bilang tugon sa Millennium Development Goals (MDGs) na labanan ang kahirapan at kagutuman, dagdag pa ni Medina. (JCR/BPP=PIA 1 Ilocos Sur)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines