PIA Press Release Monday, January 23, 2012 Tagalog News: PNoy pangungunahan ang groundbreaking ng $50M aviation academy sa Clark bukas CLARK FREEPORT, Pampanga, Enero 23 (PIA) -- Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III bukas (Enero 24) ang groundbreaking ng $50 million na Philippine Academy for Aviation Training (PAAT) sa loob Clark Freeport.Ang PAAT, na itatayo ng Cebu Pacific Air at Canadian firm na CAE, ay nakatakdang magbukas sa ikatlong bahagi ng 2012. Sa isang pahayag, inilahad ni Cebu Pacific president and chief executive officer Lance Gokongwei na ang PAAT ay inisyal na nakalaan sa Airbus A319/320/321 series pilot type-rating training requirements at sa pagbibigay ng “wet” instructor-led type-rating training para sa kasalukuyan at bagong piloto ng kanyang airline. May initial, recurrent, conversion, at jet indoctrination training din ito para sa ibang Airbus operators. Ang state-of-the-art PAAT ay idedebelop sa pakikipagtulungan sa training facilities design team ng CAE. Ito ay pansimulang dalawang Airbus A320 FFSs at inaasahang madadagdagan ng dalawa pa sa loob ng anim na taon. Sinabi pa ni Gokongwei na ang eskwelahan ay makakatulong mapabuti ang tourism at aviation potentials ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghulma ng mga world-class na piloto at ito ay makakapag-ambag na rin sa umuunlad na aviation industry ng Asya-Pasipiko. Bukod sa mga piloto, sasanayin din sa hinaharap ng akademya ang iba pang aviation workers tulad ng cabin crew at ground handling personnel. (WLB/CLJD-PIA 3) |