PIA Press Release Monday, January 23, 2012 Tagalog news: Pagtatatag ng Barangay Employment Service Office proteksyon sa manggagawaPUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Ene. 23 (PIA) --Inaasahan ang epektibong mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa laban sa illegal recruitment ang mapagkakaloob ng ordinansang magtatatag sa Barangay Employment Service Office (BESO) sa 367 barangay sa Palawan.Provincial Ordinance 1234 na iniakda ni Kagawad Ramon Zabala ay inaprubahan nitong huling bahagi ng 2011 at ipatutupad ng Provincial Employment Service Office bilang supervising agency ng BESO. Napapanahon ang pag-apruba sa naturang ordinansa dahil sa pagdami ng mga pagpapaskel ng mga employment ads o anunsyo para sa lokal at internasyunal hiring. Ayon sa ordinansa, nagiging paraan diumano ang mga ads na ito ng mga illegal recruiters sa kanilang panloloko. Sa Seksyon 10 ng ordinansa, nakasaad dito na mangangailangan na ng otentikasyon ng PESO ang anumang ipapaskel o ipapa-anunsyo na job opportunities o employment ads. Nakasaad din sa ordinansa na ipagbabawal na ang pagpapaskel ng mga employment ads sa mga poste, puno, at public structures na hindi PESO designated areas. Ito ay sa loob ng office premises ng employer, gusali, bahay o lugar ng isang third party at sa authorized structure/posting area na tinuran ng PESO. Nakasaad naman sa Seksyon XIII ang prohibisyon sa media na hindi maaari isa-ere o ilimbag ang anumang anunsyo hinggil sa paghahanap ng trabaho kung walang otentikasyon ng PESO. (DOS/VSM/PIA-Palawan) |