Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 29 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 24, 2012

 

Tagalog News: Or. Mindoro packaging center, inaasahang bubuksan na

ni Louie Cueto

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 24 (PIA) -- Inaasahang bubuksan ngayong unang bahagi ng taon ang Oriental Mindoro Toll Packaging Center sa Kapitolyo ng lalawigan.

Ayon kay Technology and Livelihood Development Center Manager Avelino C. Tejada, ang pagtatayo ng packaging center ay naglalayong palaguin at tulungang mapaunlad ang mga dumaraming negosyo sa lalawigan.

“Ang center ay magbibigay ng trainings at seminars. Maglalagay din dito ng makina para paglalagay ng marka at magkakaroon ng taong gagawa ng disyeyo ng mga produkto,” paliwanag ni Tejada.

Ayon sa kanya, tiyak na napakalaki ng maitutulong ng packaging center sa label (pagmamarka), design (disenyo), product package compatibility (kompatibilidad ng produkto), shelf-life testing (pagtukoy sa haba ng buhay ng isang produkto), technical service referrals (serbisyong teknikal), consultancy (pagkonsulta) at maging sa pagpapaunlad ng maliit na negosyo partikular na sa lungsod ng Calapan.

Ang packaging center ay magsisilbi ring showroom ng mga produkto mula Mindoro na magpapakita ng husay at pagkamalikhain ng mga Mindoreño.

Umabot na sa P1.4 milyon ngayong taon ang pondo para sa proyekto. Ang suportang pinansyal na nagkakahalagang P350,000 ay pormal na ipinagkaloob ni Jesse M. Pine ng Department of Science and Technology (DOST) Provincial Office sa pamahalaang panlalawigan noong Enero 9 kasabay ng regular na People’s Day sa kapitolyo.

Bukod pa ito sa P1,250,000 na inilaan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. noong nakaraang taon.

Si Calapan City Mayor Salvador Leachon ay nangako na rin ng pondo para maisakatuparan ang proyekto. Sa kasalukuyan ay humihingi na rin sila ng tulong sa dalawang kongresista ng lalawigan para tuluyan nang maisakatuparan ang proyekto, ani Tejada. (PIO/LTC/PIA-4B)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines