Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

 

Tagalog News: Mga ahensiya ng gobyerno tulong-tulong sa paghatid ng 4Ps sa IN

By Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan. 25 (PIA) -- Tulong-tulong ang mga ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Ilocos Norte, ayon sa opisyal ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development).

Sa panayam sa PIA Hour sa Radyo ng Bayan, sinabi ni Lilian Rin, Provincial Social Welfare and evelopment Officer, magkakapit-bisig ang mga ahensiya upang masiguro ang tagumpay ng programa.

Ang 4Ps ay programa ng DSWD na nagbibigay ng insentibo sa mga mahihirap na pamilya upang labanan ang mga problema na dulot ng kahirapan. Bilang insentibo ay bibigyan bawat buwan ng P300 ang bawat bata upang makapag-aral (hindi hihigit sa tatlong bata sa bawat pamilya) at P500 para sa gastusin sa kalusugan ng ina at mga anak. Tatagal ang programa ng limang taon.

Subalit hindi lamang ang DSWD ang ahensiya na nagpapatupad nito.

“Nandiyan ang Kagawaran ng Kalusugan, ang Kagawaran ng Edukasyon, PhilHealth, Nutrition Council, Land Bank, at pati na din mga Non-Government Agencies at iba pa. Lahat ay may kanya-kanyang programa na tumutugon sa 4Ps,” sabi ni Rin.

Upang maipatupad ang programa at patuloy na tumanggap ng insentibo ang mga benipisyaryo ay kailangan sumunod sa mga kondisyon na itinalaga ng 4Ps.

Paliwanag ni Rin, ang mga bata o anak sa isang pamilya ay nararapat na palagian pumapasok sa paaralan o sakali man na hindi makapasok ay kailangan na hindi bababa sa 85 porsyento ang kabuoang mga araw ng ipinasok ng mga ito. Bukod dito ay kailangan sila na regular na nagpapatingin o tsek-ap sa Rural Health Unit at kumpleto ang bakuna.

“Ang Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng paaralan ay magbibigay ng ulat sa amin kung sakaling hindi pumapasok ang bata sa paaralan. Tinitingnan ng DepEd kung talagang pumapasok ang bata. Ganun din ang Kagawaran ng Kalusugan. Ang Rural Health Unit ay kailangan magbigay ng ulat tungkol sa pagbabakuna sa mga bata. Gayon din ang nutrition council na tumitiyak din sa kalusugan nila,” sabi ni Rin.

Sakaling hindi tumupad sa kondisyon sa pagpasok ang bata ay hindi tatanggap ng insentibo para sa buwan na iyon.

“Subalit pinagsasabihan namin sila at inaalam kung ano ang dahilan ng hindi pagsunod,” ayon kay Rin.

Bukod sa mga bata ay ang mga buntis naman ay kinakailangan na regular ang pagpapatingin sa Rural Health Unit upang masiguro ang kaligtasan ng ina at sanggol. At ang mga magulang ay kinakailangan dumalo sa ‘Good Parenting, Parent Effectiveness’ na mga klase.

“Palagian din ang pagtingin at paggawa ng report ng RHU kung tumutupad sa kondisyon ang mga buntis at magulang,” sabi ni Rin.

“Mayroon din tayong ugnayan sa mga social welfare officer sa mga lokal na pamahalaan na palagian na tumitingin sa mga pamilya kung ang mga ito ay sumusunod sa mga kondisyon ng programa. Sila talaga ang tumututok sa mga benipisyaryo at nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya,” patuloy pa ni Rin.

Malaking tulong ang 4Ps sa pagabot ng Millennium Development Goals kagaya ng ‘Edukasyon para sa Lahat (Universal Primary Education), Pagbabawas ng kagutoman (Eradicating Hunger), Pagalis ng diskriminasyon sa kababaihan (Promoting Gender & Equality), Pagbabawas ng dami ng namamatay na mga bata (Reducing Child Mortality), at, Pagpapabuti ng kalusugan ng buntis (Improving Maternal Health Care).”

Mayroon labindalawang bayan at isang lungsod ang napili sa lalawigan para sa programa ngayong taon.

Ito ay ang Laoag City at mga bayan ng Bacarra, Dingras, Sarrat, Dumalneg, Vintar, Piddig, Badoc, Solsona, Pasuquin, Pagudpud, Paoay at Burgos. (ANL/CPC-PIA 1 Ilocos Norte)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines