Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

 

Tagalog News: Grand homecoming ng mga Cuyuno, isasagawa sa Kuwaresma

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 25 (PIA) -- Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatakdang magsagawa ng “ulibanua” o grand homecoming ng mga Cuyuno sa buwan ng Abril, kasabay ng pag-obserba ng Kuwaresma o mahal na araw sa bayan ng Cuyo.

Ipagdiriwang sa Cuyo ang ika-390 taong pagkakatatag ng Kristiyanismo sa nasabing bayan kasama ang mga karatig na munisipyo nitong Magsaysay at Agutaya.

Ayon kay Arsobispo Edgardo Juanich, pinuno ng Bikaryato ng Taytay, Palawan nabuo ang hangaring pagkakaroon ng ulibanua dahil sa hindi na napapanatili ang kultura at tradisyong nakaugalian ng mga Cuyuno at karamihan sa mga taal na cuyuno ay nasa iba’t-ibang panig at labas na ng bansa.

Layon ng Ulibanua na mabuklod ang mga Cuyunon sa mismong bayan ng Cuyo upang muling balikan ang kasaysayan kung paano nagsimula ang Kristiyanismo sa lalawigan, halos 400 taon na ang nakalilipas.

Ang Ulibanua ngayong 2012 ang magiging hudyat ng 10 taon na pagdiriwang nito hanggang sa pagsapit ng ika-400 taon na anibersaryo ng kristiyanismo sa lalawigan sa 2022.

Sa Ulibanua, ayon kay Arsobispo Juanich, na isang “Celebration of Culture, Celebration of Arts and Celebration of Life (selebrasyon ng kultura, sining at buhay)” ay inaasahang magpapalawig at magpapayabong ng pananampalatayang Kristiyano ng mga Palawenyo. Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng nasabing bayan partikular na sa negosyo.

Nakipag-ugnayan na rin si Juanich sa lahat ng mga lokal na pamahalaan ng Cuyo, Magsaysay at Agutaya, gayundin kay Gobernador Abraham Kahlil B. Mitra para sa kaukulang tulong na maaring ibigay ng mga lokal na pamahalaan sa ikatatagumpay ng nasabing aktibidad. (LBR/OCJ/PIA-4B)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines