Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 27 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

 

Tagalog News: Mga opisyal ng MDRRMC sa Sorsogon, pinulong

ni Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 25 (PIA) -- Bilang bahagi pa rin ng programa ng lalawigan ng Sorsogon ukol sa kahandaan sa iba’t-ibang mga uri ng kalamidad, pinulong ng sangguniang panlalawigan sa pangunguna ni Sorsogon Vice Governor Antonio H. Escudero ang mga action officer ng Municipal Disaster Risk Reduction Office sa buong lalawigan.

Aktibo ding dinaluhan ang nasabing pagpupulong ni Police Community Relations Officer Police Chief Inspector Martin Batacan bilang kinatawan ng Sorsogon Police Provincial Office.

Ayon kay Batacan, ang pulong na ginawa sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall noong Enero 19 ay may layuning paigtingin ang kahandaan ng mga opisyal at ng mga mamamayan sa panahong may mga paparating na kalamidad sa lalawigan.

Aniya, tinalakay ni Dante Bonos, kinatawan ng Sorsogon Provincial Disaster Risk and Management Office ang mga plano at programa ng kanilang tanggapan tulad ng pagpapalakas pa ng kapasidad ng mga action officer at kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council(PDRRMC).

Ipinaliwanag naman ni Irosin Municipal DRRMC action officer Ediberto Elorza ang mga suliraning malimit na kinakaharap ng isang lugar matapos na hagupitin ng mga kalamidad partikular sa bahagi ng pagbangong muli ng kabuhayan ng mga naapektuhan.

Inihayag din ni Casiguran Municipal DRRMC action officer Salvador Jao ang kakulangan sa pinansyal at pagtutulungan sa oras na nagkakaroon ng kalamidad, subalit mariin namang pinuri nito ang mga kapulisan sa aktibong suportang ibinibigay nito sa kanila sa mga panahon ng kalamidad.

Buo naman ang tiwala ni Escudero na sa pagkakalatag ng mga isyu at suliraning kinakaharap ng mga action officer sa lalawigan, mabibigyang-pansin at tugon ito ng kanyang tanggapan sa pamamagitan ng pagpasa ng mga ordinansa ng konseho ng Sangguniang Panlalawigan na siyang magpapatibay pa sa kahandaan ng komunidad sa lalawigan ng Sorsogon. (PIA-5)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines