Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

 

Tagalog news: DSWD lalong tutuon sa serbisyo publiko sa pagselebra ng ika-61 anibersaryo

QUEZON CITY, Enero 26 (PIA) -- Sa buwang ito, 61 na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tema ng selebrasyon ang “DSWD @ 61: Tuloy-Tuloy sa Kaunlaran” na naglalarawan ng kanilang pagpupunyagi na makapagbigay ng todong serbisyo publiko para sa social protection, poverty reduction at pagbibigay lakas sa mga mahihirap at mga bulnerableng sektor ng ating lipunan na makaahon sa kanilang kinasasadlakan.

Ito ay binigyang diin ni Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon Juliano-Soliman sa kaniyang pahayag na sa pagtuntong ng kagawaran sa ika-61 na taon ay mananatili itong nakatuon na may ibayong lakas at sigla sa kanilang misyon na pagtulong.

“Patuloy na pangungunahan ng DSWD ang mga gawain sa social protection habang nakikipagtulungan sa iba pang ahensiya sa pagbibigay ng social safety nets sa mga mahihirap, bulnerable at disadvantaged na sektor sa ating lipunan kagaya ng mga inabuso at pinabayaang mga kabataan, mga taong may kapansanan, ating mga senior citizen, children in conflict with the law (CICL) at mga solo parents,” ani Soliman.

“Alam kong may mga panahon na kahit sobrang pagal na ang ating mga katawan ay pilit pa rin nating ibinibigay ang ating mga sarili sa pagtulong. Nalampasan natin ang mga paghihirap na ito kaya’t heto pa rin tayo at nakuha natin 97 porsiyento ang ating target sa ating mga programa,” dagdag niya.

Tunay na naging maganda ang mga pagpupunyagi ng mga kawani ng kagawaran sa tulong na rin ng ibang ahensiya ng pamahalaan, mga civil society organization, media at iba pang stakeholders kaya’t tampok sa kanilang isang buwang selebrasyon ang pagpapasalamat at pagbibigay puri sa mga ito.

Ang PANATA (Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon sa Bayan) Award na ipinagkaloob ngayong araw sa DSWD Central Office sa Batasan Hills ay pagkilala sa mga paghihirap at tulong nila sa iba’t ibang programa ng kagawaran.Kasama dito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na sa ngayon ay mayroon ng 2.3 milyong bendepisyaryo, pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad, sa mga batang lansangan, mga may kapansanan at iba pang bulnerableng sektor.

Nahahati sa dalawang kategorya ang PANATA. Ang una ay ang Gawad Panglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) na isang pagkilala sa mga non-government organizations (NGOs), local government units (LGUs) at ang pangalawa ay Gawad Ulat na pagpaparangal sa mga media na walang sawang tumutulong naman upang magampanan ng kagawaran ang kanilang mandato.

Samantala, ang Program on Awards and Incentives for Service Excellence (PRAISE) ay ibibigay sa mga natatanging kawani ng DSWD at Loyalty Awards naman ang bibigay sa sa empleyadong nagbigay ng 10 hanggang 40 serbisyo.

Kabilang sa mga pararangalan bilang PANATA Awardess ay ang SOS Children’s Village in Calbayog, Samar for Best NGO; at Angat Kabuhayan SEA-Kabayan, Inc. in Calbiga, Samar, Region VIII for Model Self-Employment Assistance-Kaunlaran (SEA-K) Association.

Ang mga Gawad Ulat awardees ay sina Leila Salaverria at TJ Burgonio of Philippine Daily Inquirer bilang Most DSWD-Friendly Beat Reporters; Manila Times bilang Most Supportive Newspaper; Radyo Singko 92.3 News FM bilang Most Supportive Radio Station; at GMA 7 bilang Most Supportive Television Station.

Mga 16 na civil society organizations ang gagawaran ng special recognition kabilang dito ang Damayan ng Maralitang Pilipinong Api (DAMPA); I Am Redeemer and Master Evangelical Church; International Holistic Engagement for Life and Progress, Inc. (iHELP); Kabisig ng KALAHI; Marriage Encounter Foundation of the Philippines; People Power Volunteer for Reform (PPVR)-Valenzuela; People Power Volunteers for Reform (PPVR)-Marikina; Philippine Partnership Support Service Agencies (PHILSSA); Pinoy Micro Enterprise (PinoyME); PINOY/PINAY/PPVR-Manila; Samahang Maralita para sa Makatao at Makatarungang Paninirahan (Sama-Sama); Unang Hakbang Foundation, Inc.; Urban Poor Alliance, Amparo 179, Inc.; YES Pinoy Foundation; Zuellig Family Foundation; at former Mayor of Mulanay, Quezon Province, Mr. Prudencio Maxino bilang matibay na taga suporta ng KALAHI-CIDSS.

Kasama rin sa isang buwang selebrasyon ang paglulunsad ng Knowledge Exchange Center (KSC) na isang knowledge management data monitoring system na naglalayong palakasin ang palitan ng mga datos sa pagitan ng DSWD at mga stakeholder para sa mas mabilis at mas eficienteng pagbibigay tulong.

Kailan lang ay pinangunahan ni Secretary Soliman ang ground breaking ceremonies para sa tatlong gusaling itatayo sa Batasan Hills: ang Millennium Challenge Corporation (MCC)-Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (MCC-KALAHI-CIDSS) building, isang 3-storey na gusali para sa opisina ng Management Information System Service Data Center (1st floor), Pantawid Pamilyang Pilipino Program-Project Management Office (2nd floor) at National Household Targeting System-Poverty Reduction (3rd floor), ang pangatlo ay ang Central Office Dormitory para naman sa mga DSWD regional officials and employees.

Mahaba ang listahan ng mga nagawa ng kagawaran para sa mga bulnerableng sektor: 2.3 milyong pamilya ang benepisyaryo ng 4Ps, katulong ng mga kapartner nito ay nakapagawa at gumagawa ng mga kabahayan at nakapagpadala ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng mga kalamidad, nailayo at nabawasan ang mga batang lansangan sa mga pangunahing kalsada lalo na sa Metro Manila, relokasyon, trabaho, pagtuturo at pagbibigay ng pagkakakitaan at marami pang iba.

Sa ngayon, pagtutuunan ng kagawaran ang prosesong empowerment upang mabigyang lakas ang kanilang mga kliyenteng makaahon. Ang programang convergence na isang pagsamasama ng mga programa at serbisyo ng iba’t ibang ahensiya, stakeholders at civil society organizations ang kanilang magiging pangunahing kagamitan upang tagumpay na magampanan ang kanilang misyon. (lfb/rjb/dswd/pia-ncr)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines