PIA Press Release Saturday, January 28, 2012 Tagalog news: P85.6-M 2012 badyet ng Taal, aprobado naTAAL, Batangas, Enero 28 (PIA) --Aprubado na ang P85.6M taunang badyet t ng bayang ito para sa taong 2012.Malaking bahagi ng badyet na ito ay ilalaan sa personnel services at operating expenses ng lokal na pamahalaan gayundin sa mga priority projects na kinakailangan para sa lalong ikauunlad at isasaayos ng mga pangunahing programa na malaki ang maitutulong sa mga Taaleno. Hinahangad din ng pamahalaang lokal na gawing maliit na ospital ang health center upang higit na makapaglingkod at makapagserbisyo sa mga tao lalo na sa larangan ng kalusugan. Samantala, nakikipag-ugnayan din ang pamahalaang lokal sa mga senador at kongresista upang makakuha ng tulong pinansyal para magamit sa pagpapagawa ng iba't-ibang mga kalsada sa mga lugar na nasasakupan ng nasabing bayan. Ayon pa sa lokal na pamahalaan, hangad din nilang maipreserba ang mga cultural sites kung saan kilalang kilala ang bayang ito at isa sa mga dinarayo ng mga turista. (MPDC, PIA-Batangas) |