Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Saturday, January 28, 2012

 

Tagalog News: Kaso ng illegal logging sa IN bumaba

by Carlo P. Canares

LAOAG CITY, Jan. 28 (PIA) -- Kumonti ang kaso ng pagsusunog at pagpuputol ng mga puno na walang permit sa Ilocos Norte, ayon kay Engr. Juan delos Reyes Jr., hepe ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Department of Environment and Natural Resouces) sa lalawigan.

“Nakikita natin na sa mga nakaraang taon ay marami ang sinamapahan ng kaso sa korte. Subalit itong mga huling taon ay bumaba ang mga kaso sa korte,” pahayag ni delos Reyes.

Bukod sa pagpuputol ng puno ng walang permit ay ang kaingin o pagsusunog ng mga kagubatan ang sanhi ng pagkawala ng mga puno sa lalawigan, paliwanag ni delos Reyes.

Bagamat walang binanggit na datos hinggil sa dami ng kaso, sinabi ni delos Reyes na ang dahilan ng pagbaba ng mga kaso ay dahil sa pagtutulungan lokal at nasyonal na pamahalaan.

“Aktibo ang ating mga kasama, lalo na ang mga kapulisan - ang mga ‘station commander’, mga ‘chief of police; pati na din ang ating mga alkalde. Dahil aktibo na sila ay nakikita natin na natutugunan na ang problema ng ‘illegal logging at poaching,’ sabi ni delos Reyes.

Inamin ng hepe ng DENR sa Ilocos Norte na may mga munisipyo na ang kailangang kagubatan ay hindi na kasing dami ng mga puno kagaya ng dati.

“Nandiyan ang mga bayan ng Marcos, Dingras, Carasi na nakikita natin na kaunti na lamang ang puno,” ani delos Reyes.

Dahil dito ipinapatupad sa lalawigan ang programa ni Pangulong Benigno Aquino III na National Greening Program.

“Sa ilalim ng programa ay dapat lahat tayo ay magtanim ng mga puno sa ating mga kagubatan o sa mga bakuran, plaza, paaralan. Kapit-bisig nating panindigan ang pangangalaga sa ating Inang Kalikasan para sa kinabukasan,” sabi pa ni delos Reyes.

Layunin ng National Greening Program na makapagtanim ng 1.5 bilyon na puno sa buong bansa hanggang taon 2016. Sa Ilocos Norte ay kinakailangan magtanim ng 25,000 na puno bawat taon ang lahat ng 557 na barangay. (ANL/CPC-PIA Ilocos Norte)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines