Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 18 October 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

 

Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 30 (PIA) -- Tumatanggap na ng mga aplikasyon ang Civil Service Commission (CSC) Regional Office 3 para sa unang Career Service Professional at Subprofessional Paper and Pencil Tests ngayong taon na idaraos sa Mayo 27.

Ayon kay CSC Central Luzon information officer Diana Henson, ang mga pagsusulit ay bukas sa lahat ng Pilipino edad 18 pataas na may good moral character, hindi nahatulan ng guilty sa kahit anong kaso o di kaya ay natanggal sa government service dahil sa imoral na gawain at hindi kumuha ng kahalintulad na lebel ng career service test sa loob ng tatlong buwan.

Ang mga pagsusulit ay binubuo ng mga spesipikong paksa Para sa Professional na kategorya, may parteng Ingles at Filipino, ang mga paksa ay vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, analogy, logic at numerical reasoning. Para sa naman sa kategoryang subprofessional, na may Ingles at Filipino ay may mga paksang vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, spelling, clerical operations at numerical reasoning.

May General Information test din para sa Professional at Subprofessional na sasaklaw sa Philippine Constitution, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A.6713), Peace and Human Rights Issues and Concepts at Environment Management and Protection.

Sabay-sabay na isasagawa ang mga eksaminasyon sa 30 na lugar sa buong kapuluan kabilang na ang mga lungsod ng San Fernando sa Pampanga at Cabanatuan sa Nueva Ecija.

Ang mga aplikante ay dapat makakuha ng gradong hindi bababa sa 80 porsyento para makapasa at magawaran ng eligibility na siyang susi sa pagkakaroon ng stable na trabaho sa gobyerno.

Ang mga requirements at application form ay maaring ma-download sa opisyal na website ng komisyon na www.csc.gov.ph.

Para sa mga katanungan, maaring tawagan ang regional office ng CSC sa Pampanga sa mga numerong (045) 455-3241, 455-3242, 455-3244 at 455-3245 o di kaya ay bisitahin ang kanilang provincial office sa inyong lugar.

Ang deadline ng pagsumite ng mga aplikasyon ay sa Abril 12. (WLB/CLJD PIA 3)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines