Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 April 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

 

Tagalog News: Libreng serbisyong dental isasagawa sa Dumaran

ni Orlan C. Jabagat

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 30 (PIA) -- Magsasagawa ng libreng serbisyong dental ang Provincial Health Office (PHO) ng Pamahalaang Panlalawigan sa bayan ng Dumaran kaugnay ng pagdiriwang ng Oral Health Month ngayong Pebrero.

Ang tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Ngiting Matatamis, Ngiping Malilinis dala ay pag-asa, tunay na ligaya.”

Ang libreng serbisyong dental ay isasagawa sa Peb. 1 hanggang 3 sa dalawang barangay ng bayang nabanggit, ang barangay Sta. Teresita at barangay Poblacion.

Magkakaroon ng libreng konsultasyon, libreng bunot, on-the-spot poster making contest para sa mga batang nasa ika-5 at ika-6 na baitang.

Magkakaroon din ng libreng paglilinis ng ngipin na may flouride sa mga pre-school sa mga nabanggit na barangay.

Ayon kay Dr. Samuel V. Panem, Supervising Dentist ng Provincial Health Office, minarapat nilang tumungo sa bayan ng Dumaran upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na mabigyan ng libreng dental services sa kadahilanang walang dentista ang naturang bayan.

Bukod sa mga dentista ng PHO ay makikiisa din sa nasabing aktibidad ang mga dentista mula sa mga bayan ng Bataraza, Narra, Aborlan at Roxas, dagdag pa ni Panem.

Inaasahang 400 na mga bata at matatanda ang makakatanggap ng libreng serbisyong dental ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga nabanggit na lugar. (PIO/OCJ/TBO-PIA4B-Palawan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines