Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 26 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

 

Tagalog news: Paghahanda sa anumang kalamidad, prayoridad ng Batangas

BATANGAS CITY, Batangas, Enero 30 (PIA) -- Isa sa binibigyang-prayoridad ng pamahalaang panlalawigan ang paghahanda sa anumang kalamidad na maaaring tumama sa dito.

Sa isang panayam kay Governor Vilma Santos-Recto, sinabi nito na magmula ng manungkulan siya bilang punong-lalawigan ay tinutukan na niya ang mga paghahanda kaugnay ng iba't-ibang kalamidad at nasubok ito noong nakaraang taon kung saan naging aktibo ang Bulkang Taal.

Ayon sa opisyal, lubha siyang nabahala noong itinaas ng Philvolcs ang alert status ng naturang bulkan kung saan may 12 munisipalidad ang posibleng maapektuhan. Ngunit bago pa man mangyari ang inaasahang pagsabog, nakahanda na ang mga komunidad sa paligid ng bulkan sapagkat nakapag-organisa na ng disaster risk reduction management council ang bawat barangay at bayan gayundin ang pagkakaroon ng disaster preparedness and response system at early warning system. Patuloy din ang koordinasyon sa mga lokal at nasyunal na tanggapan upang masiguro na ang pagbibigay ng serbisyo at tulong ay hindi mababalam.

Kaugnay pa nito,may mga risk reduction infrastructure program na ginagawa ang pamahalaang panlalawigan tulad ng mga slope protection sa tabing daan lalo na sa mga daang prone sa landslides.

Bukod pa dito, may nakahanda ding geohazard map upang maipamahagi sa mga bayan at mas lalo pang makapaghanda sa kanilang disaster preparedness plan at strategy. Ito ay bilang pagtugon din sa isinusulong ng administrasyong Aquino batay sa Philippine Development Plan.

Dagdag pa ng gobernador na mas lalong kailangan ito ngayon lalo na at ilang mga bayan sa lalawigan ay idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) bilang flood-prone at landslide prone base sa kanilang isinagawang assessment. (MPDC, PIA-Batangas)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines