Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 25 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

 

Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan , Enero 30 (PIA) -- Idineklara ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang Peb. 3 bilang isang non-working holiday sa lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa ika-85 taong kapanganakan ng senador na si Blas F. Ople.

Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 323 na pinirmahan ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. noong Enero 25, idineklara ni Pangulong Aquino ang nasabing araw na walang pasok sa trabaho man o paaralan sa buong lalawigan ng Bulacan upang muling sariwain ng mga Bulakeño ang araw ng pagsilang ni Ople.

Si Ople ay nanilbihan sa pamahalaan, una bilang kalihim ng Department of Labor and Employment, Department of Foreign Affairs at bilang isang senador kung saan inokupahan ang upuan bilang Pangulo ng Senado.

Ayon kay Pangulong Aquino, inilaan ni Ople ang kanyang buong buhay sa matapat na paglilingkod at pagseserbisyo sa mga Pilipino.

Si Ople ay isinilang sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan noong Pebrero 3, 1927 kay Felix Antonio Ople at Segundina Fajardo.

Siya ay nagtapos sa Hagonoy Elementary School noong 1941 bilang valedictorian. Nang sinakop ng bansang Hapon ang Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig, sumanib si Ople sa guerilla movement at lumaban sa ilalim ng Del Pilar Regiment at Buenavista Regiment ng Bulacan Military Area na itinatag ni Alejo Santos.

Noong 1948, nagtapos si Ople ng high school sa Far Eastern University at nagtapos ng liberal arts sa Educational Center of Asia na dating mas kilala bilang Quezon College sa Maynila. Itinuloy pa rin niya ang kurso ng peryodismo.

Siya ay humawak ng iba’t ibang matataas na posisyon sa pamahalaan sa ilalim ng ehekutibo at lehislatura kung saan pinamunuan niya ang Senado noong 1999 hanggang 2000 at kalihim ng Department of Foreign Affairs noong 2002 hanggang sa kanyang pagkamatay noong Dis. 14, 2003. (WLB/VFC-PIA 3)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines