Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

 

Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 30 (PIA) -- Gumawa ang municipal social welfare office ng isang lugar para sa mga kabataang lumalabag sa curfew.

Ang Balagtas Kanlungan Drop In Center, na itinayo noong nakaraang taon sa Brgy. Santol, ay isang pansamantalang tuluyan para sa mga mahuhuling kabataan sa bayan na nasa kalye pa sa itinakdang curfew na 10 p.m. hanggang 4 a.m.

“Kumpleto ang pasilidad dito, may silid-tulugan para sa 120 na kabataan, may palikuran, dining area, receiving at social hall, at mayroon ding basketball court,” ani Rolly Dañes, municipal information officer ng Balagtas.

Idinagdag ni Dañes na magkahiwalay ang tulugan at palikuran ng mga lalake at babae sa Kanlungan Center na pinatatakbo ng Municipal Social Welfare and Development Office.

Ayon sa ulat na inilimbag sa Lakandiwa, ang opisyal na pahayagan ng Balagtas, napag-alaman sa isang pag-aaral ng pamahalaang bayan na nagiging problema ang mga “kabataang palaboy” sa kalsada dala ng kahirapan.

Napipilitan umanong tumulong ang mga kabataan sa kanilang mga magulang upang maghanapbuhay sa kalye tulad ng pangangalakal at panlilimos na “kalimitan ay naglalagay sa mga kabataan sa kapahamakan,” saad sa ulat.

“[Ang mga gawaing ito] rin ay nagiging daan upang magumon sila sa masamang bisyo,” ani Dañes.

Dahil dito, nagsasagawa ang Philippine National Police-Balagtas, mga barangay tanod at opisyal ng Kanlungan Center ng paglilibot sa may 3,000-ektaryang bayan upang hikayatin ang mga menor de edad na manatili na lamang sa center sa itinakdang curfew kaysa lumaboy sa lansangan.

Kakapanayamin ang mga kabataan pagdating sa Kanlungan Center upang malaman ang impormasyon tungkol sa kanila at maipagbigay-alam sa kanilang pamilya ang kanilang kinaroroonan.

“Nagkakaroon ng maayos na documentation ang mga kabataang dinadala rito at sa kanilang pananatili, sila ay binibigyan ng maayos na tulugan, damit at pagkain,” ani Dañes. (CLJD/VFC-PIA 3)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines