Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Monday, January 30, 2012

 

Tagalog News: Honor at horror lists ng mga sasakyan, iminungkahi

ni Louie T. Cueto

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 30 (PIA) -- Inimungkahi ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. ang pagkakaroon ng “honor list” at “horror list” para sa mga sasakyang pumapasok sa lalawigan at bumabiyahe sa kahabaan ng Strong Republic Nautical Highway (SRNH).

Ang “honor list” ay para sa mga motoristang maayos magpatakbo ng kanilang mga sasakyan samantalang ang “horror list” naman ay para sa mga sasakyang malimit na masangkot sa mga traffic violations o makaaksidente.

Partikular ito sa mga pampasaherong sasakyan kabilang na ang mga tinatawag na ‘killer bus.’

Kaagad na sumang-ayon ang karamihan ng mga dumalo sa ginanap na pagpupulong ng transport groups sa lalawigan.

Ang naturang pagpupulong ay ipinatawag ni Umali upang bigyang pansin ang mga kababayan niyang nabibiktima ng aksidente kasangkot ang mga malalaking sasakyan na kalimitang nangyayari sa SRNH.

Pinangunahan ni Umali ang pulong kasama sina Executive Assistant Dr. Marpheo Marasigan, Provincial Administrator Angel Saulong at Bishop Warlito Cajandig. Maliban sa mga dumalong operator ng mga sasakyan, dumating rin ang ilang kinatawan ng Philippine National Police, Philippine Army, representante ng simbahan at iba pang kaugnay na ahensya ng pamahalaan.

Napag-usapan din sa pagpupulong ang mga naghahabulang mga van sa highway na pangunahing sanhi ng mga aksidente noong nagdaang mga araw. Isa na rito ang aksidente sa pagitan ng van at sasakyan ng Philippine Army sa highway ng barangay Leido, Victoria kung saan tatlo ang namatay.

Dahil dito, sinabi ni Bishop Cajandig na nararapat na pagsama-samahin ang lahat ng naiisip na solusyon upang maiwasan ang mga aksidente sa daan.

Ang mga nakikitang solusyon ay ang paglalagay ng traffic signs 100 metro bago marating ang mga delikadong daan at mga on-going na konstruksyon ng kalsada. Isasailalim din ang mga driver sa oryentasyon hinggil sa maingat at ligtas na pagmamaneho. Maglalagay din ng signages para sa speed limit. Inimungkahi rin ang paglalagay ng mga signs na “How is my driving” kasama ang contact number ng nagmamaneho sa likod ng sasakyan.

Pinag-aaralan din ang pagbabawal sa pag-aangkas ng mga bata sa motor. 50 porsyento ng mga aksidente sa daan ay mula sa mga motorsiklo, ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Erlinda Garcia.

Ang iba pa sa mga dahilan ng aksidente sa lalawigan ay ang pagmamaneho nang nakainom, hindi pagtsek sa mechanical defect ng sasakyang bago i-byahe, overspeeding, paggamit ng cellphone habang nagmamaneho, lubak-lubak na daan, walang pakundangang hit & run, maling pag-overtake, maling pagliko at overloading. (LBR/LTC/pia4b/calapan)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines