Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 30 May 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

 

Tagalog news: 2 produkto sa Rehiyon 12 napili para sa international branding at packaging

KORONADAL CITY, Enero 31 (PIA) -- Dalawang produkto sa Soccsksargen Region o Rehiyon 12, partikular sa lalawigan ng South Cotabato, ang napili para sa international branding development sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Kinilala ni Department of Science and Technology-12 Regional Director Dr. Zenaida P. Hadji Raof- Laidan, ang mga katangi-tanging produkto na “Kafe Balos” at T’nalak.

Ang “Kafe Balos” ay produktong kapeng Arabica nan a-ferment sa tiyan ng civet cat o alamid. Gawa ang naturang produkto ng tribung B’laan sa Mt. Matutum sa mga bayan ng Tupi at Polomolok.

Samantala, ang telang T’nalak ay gawa naman ng mga miyembro ng tribung Tboli sa bayan ng Lake Sebu at hinabi mula sa abaka.

Ayon kay Director Laidan, ang dalawang produkto ay kabilang sa walong produkto ng Pilipinas na napili ng Industrial Technology Development Institute (ITDI) ng DOST at JICA para sa international packaging at country branding development.

Ani Laidan, kaugnay ito sa nagpapatuloy na pagsisikap ng ahensiya at JICA na palalakasin ang mga maliliit na negosyo upang maging “globally competitive.”

Kabilang aniya sa kanilang prayoridad ang matulungan ng katangi-tanging mga lokal na produkto upang mapalakas ang kakayahan nito sa pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng kaakit-akit na packaging design gamit ang tamang packing technology.

Paliwanag ni Laidan, hindi lang nakatuon sa dalawang produkto ang kanilang tinutulungan sa international design packaging development project. Tinututukan din aniya nila ang ilang fresh at semi-processed agricultural products tulad ng papaya at marine-based products.

Kaugnay rito, hinihikayat ni Laidan ang mga micro, small at medium enterprise na samantalahin ang ayuda ng DOST para sa packaging at labeling sa pamamagitan ng mga training at consultancy services. (DEDoguiles/PIA 12)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines