Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 July 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

 

Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 31 (PIA) -- Patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon ang Civil Service Commission (CSC) Regional Office 3 para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees.

Ayon sa CSC Central Luzon information officer Diana Henson, maaring i-nominate ang mga manggagawa ng gobyerno sa alinman sa tatlong kategorya: ang Presidential Lingkod Bayan, Pag-asa at Dangal ng Bayan awards.

Ang Presidential Lingkod Bayan ay iginagawad sa mga indibidwal o grupo bilang pagkilala sa kanilang pambihirang kontribusyon na nagdulot ng matinding epekto sa pampublikong interes at seguridad ng bansa.

Sa kabilang banda, ang Pag-asa award ay ibinibigay sa mga indibidwal o grupo na malaki ang naitulong sa dalawa o higit pang tanggapan ng pamahalaan habang ang Dangal ng Bayan ay ipinagkakaloob sa mga kawani o opisyal na nagpakita ng extraordinary act at kagandahang asal.

Ang mga nominado ay dapat kasalukuyang nagtatrabaho sa gobyerno. Pinapayagan ng komisyon ang posthumous nomination basta’t ang indibidwal ay namatay habang siya ay aktibo pa sa government service.

Bukod dito, ang mga nominado ay dapat nakakuha rin ng hindi bababa sa “very satisfactory” rating sa nakalipas na dalawang evaluation periods at hindi nahatulan ng guilty sa kahit anong kasong administratibo o kriminal.

Ang mga nomination forms at requirements ay maaring ma-download sa official website ng komisyon na www.csc.gov.ph.

Para sa mga katanungan, maaring tawagan ang regional office ng CSC sa Pampanga sa mga numerong (045) 455-3241, 455-3242, 455-3244 at 455-3245 o di kaya ay bisitahin ang kanilang provincial office sa inyong lugar.

Ang deadline ng pagsumite ng mga nominasyon ay sa Abril 30.(WLB/CLJD PIA 3)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines