Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 26 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

 

Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan

Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 31 (PIA) -- Daan-daang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan at grupong pangrelihiyon ang nagtipon kahapon sa mini-forest ng Kapitolyo para sa isang sama-samang pananalangin para sa kinabukasan ng Bulacan.

Sa aktibidad na tinawag na “A Day of Prayer,” sinabi ni Gobernador Wilhelmino Alvarado na panalangin ang sagot sa mga kalamidad at suliranin na kinaharap at haharapin pa ng Bulacan.

Aniya, dapat maglaan ng isang minuto ang mga Bulakeño bawat araw tuwing ika-12 ng tanghali upang manalangin sandali.

“Yung mga nangyayaring sakuna sa lalawigan, mga kriminalidad, ang sagot po dito ay ang ating mga dasal. Ang dasal ng isang matuwid na tao ay makapangyarihan at epektibo,” ani Alvarado.

“Kaya sa pamamagitan nitong isang minutong dasal araw-araw, unti-unti pero tuloy-tuloy, sisimulan natin sa maliit at ating palalawakin. Walang hindi magagawa ang taos-pusong pagdarasal,” dagdag niya.

Ayon kay Benny Abante, isang pastor sa Metropolitan Bible Baptist Church and Ministries, dapat pakinggan ng mga matataas na opsiyal ng gobyerno ang “salita ng Diyos” sa halip na unahin ang kanilang mga personal na kagustuhan.

“Ang matuwid na bayan ay tumatawag sa Diyos, nakikinig sa Kanyang salita. Napakagandang makita na ang hawak ng ating mga lider ay Bibliya at hindi pera. Kapag nangyari ‘to, mawawala ang korapsyon,” ani Abante.

Aniya pa, higit sa 30 porsiyento ng mga buwis ng taumbayan ay napupunta lamang sa korapsyon kung kaya dapat umanong umiwas ang isang matuwid na bayan dito.

Kinanta naman ng mga kinatawan ng iba’t ibang grupong pangrelihiyon ang theme song ng Bulacan Day of Prayer na “Kay Ganda ng Bayan Ko”at “Lord, Heal our Land.” (CLJD/VFC-PIA 3)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines