Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

 

Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 31 (PIA) -- Pagkakalooban ng libreng operasyon sa mata ang mga Bulakeño na may katarata at pugita (pterygium) sa darating na Peb. 8 hanggang 10 sa Calumpit District Hospital.

Tinatayang 200 Bulakeño ang ooperahan ng walo hanggang 10 ophthalmologist mula sa Department of Health sa operasyon na tinawag na “Liwanag sa Mata, Handog ko sa Inyo.”

Isang eye screening ang isinagawa kahapon para sa mga pasyente na nais sumailalim sa nasabing operasyon.

Dagdag pa rito, isang post cataract operation ang isasagawa sa mga pasyente sa Bulacan Medical Center (BMC) sa Peb. 20.

Sinabi ni Gobernador Wilhelmino Alvarado na dapat pangalagaan nang mabuti ang mga mata dahil ang mga ito ang sumasalamin sa katauhan ng tao.

“Batid natin kung gaano kahirap ang magkaroon ng karamdaman sa mata. Sabi nga nila, ang ating mata ang salamin ng ating kaluluwa kung kaya’t marapat lamang na ito’y ating pangalagaan at panatilihing malusog,” ani Alvarado.

“Ang libreng operasyon na ito ay handog natin para sa ating mga mahal na kalalawigan na walang kakayahang magpaopera,” dagdag niya.

Ayon kay Dr. Mildred Pre ng BMC, maliban sa medical clearance na manggagaling mula sa doktor, dapat munang sumailalim ang mga pasyente sa ilang pagsusuri gaya ng complete blood count, fasting blood sugar test, at electrocardiogram upang matiyak na handa ang mga pasyente para sa operasyon.

Noong nakaraang taon, 268 pasyente na may katarata at pugita ang sumailalim sa libreng operasyon sa mata ng pamahalaang panlalawigan. 60 ang inoperahan noong Hunyo, 80 ng Agosto at 128 ng Oktubre.

Ang katarata ay ang paglabo ng lens ng mata. Para sa mga taong mayroon nito, ang kanilang paningin ay mistulang pagtingin sa isang bintanang nahamugan o Malabo. Ang pugita naman ay ang paglaki ng conjunctiva o ang manipis at malinaw na tissue ng mata na pumapatong sa sclera o ang puting parte ng mata. (CLJD/VFC-PIA 3)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines