Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 17 August 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

 

Tagalog news: Philhealth, 17 taon na sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyo

BATANGAS CITY, Enero 31 (PIA) --Kasabay ng paggunita ng araw ng mga puso, ipagdiriwang naman ng Philhealth Insurance Corporation (Philhealth) ang ika-17 taong anibersaryo nito sa ika-14 ng Pebrero na may temang “Sa Philhealth, Pinalawak na Serbisyo, Garantisado.”

Ang Philhealth ay ang tagapagtupad ng National Health Insurance Program (NHIP) sa bisa ng RA 7875 na naglalayong magbigyan ng social health insurance coverage ang lahat ng Filipino at siguraduhing may access ang lahat sa de kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Sa bisa ng Proclamation 1400, idineklara ang buwan ng Pebrero ng bawat taon bilang Philhealth month. Kabilang sa month-long celebration ng Philhealth ay ang press conference na isasagawa sa February 2 at isang banal na misa sa ika siyam ng umaga sa February 14 sa kanilang bagong tanggapan na matatagpuan sa Caedo Commercial Center sa Barangay Calicanto.

Nakatakda din silang magsagawa ng hospital visitation sa ika-17 ng Pebrero kung saan magbibigay sila ng regalo sa ilang piling mga miyembro.

Inaanyayahan naman nila ang kanilang mga members na makiisa sa kanilang blood donation project sa huling linggo ng Pebrero sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross Batangas Chapter.

Ayon kay Pinky Parto, public relations officer ng Philhealth, marami ang nangangailangan ng dugo kayat inaasahan nila na marami ang lalahok sa bloodletting na ito.

Muling magsasagawa ng Philhealth Sabado sa March 10 kung saan magtatayo sila ng information booth para sa kanilang mga myembro sa SM City Batangas. Dito ay malalaman nila ang mga requirements para maging myembro at ang mga benepisyong makukuha dito.

Isang mini-olympics/sportsfest ang gagawin ng mga kawani ng Philhealth sa buwan ng Abril at ang paghirang naman sa Ms Philhealth na ala Santacruzan ang kanilang gagawin sa buwan ng Mayo.

Ipinababatid din ng Philhealth na sa Hulyo ay nakatakdang tumaas ang premium contributions ng mga individual paying member, sponsored members at mga OFWs upang maging mas malawak ang serbisyo para sa kanila. May 10 taon na ang nakararaan nang huling magkaroon ng pagtaas sa kontribusyon. (Ronna E. Contreras, PIO Batangas City/PIA-Batangas)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines