PIA Press Release Tuesday, January 31, 2012 Tagalog News: Smoking ban sa mga pampublikong lugar sa Romblon, isinusulongni Dennis ManzoROMBLON, Romblon, Enero 31 (PIA) -- Umani ng iba’t-ibang komento at reaksiyon ang resolusyong isinusulong ni Municipal Councilor Bryant Riano na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at sasakyan sa bayan ng Romblon. Pangunahin lamang sa mga tumututol sa panukalang ito ay ang sektor ng mga nagtitinda ng sigarilyo at mga taong naninigarilyo mismo. Ayon sa may akda, layunin ng kanyang resolusyon ang mapabuti o mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayang Romblomanon at maibsan ang pagkakasakit sa baga dulot ng paninigarilyo. Ang naturang resolusyon ay nasa ikalawang pagdinig na ng Sangguniang Bayan at nakatakdang magsagawa ng public hearing hinggil sa usapin ng pagbabawal sa paninigarilyo ngayong darating na Biyernes, Peb. 3 sa Romblon Public Plaza upang matalakay sa publiko ang kahalagahan ng batas na ito. (LBR/DM/PIA-IVB/Romblon) |