Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 26 June 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

 

Tagalog News: Transparency sa Kapitolyo, ipinatutupad

ni Louie Cueto

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Enero 31 (PIA) -- Upang higit na masigurong may ginagawa at natatapos ang trabaho ng bawat tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa buong isang linggo, higit ngayong pinag-iibayo ang ‘transparency’ sa bawat tanggapan sa kapitolyo sa pamamagitan ng paghihigpit sa pagdalo sa regular na pagpupulong ng mga hepe at punong dibisyon.

Ang pagpupulong na regular na pinangungunahan ni Provincial Administrator Angel M. Saulong bilang presiding officer, kasama sina Executive Assistant Dr. Marpheo Marasigan at Organizational Development Consultant Dr. Nelson Buenaflor ay bilang pagsunod na rin sa atas ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr. na magkaroon ng tuwing ikalawang linggong pagpupulong ang mga department head, division chiefs at program implementers. Ito ay upang regular na makapag-ulat ng mga nagawa ng kani-kanilang tanggapang nasasakupan at mapag-usapan ang mga pinakahuling suliraning kinakaharap ng mga ito at estado ng ginagawang karampatang solusyon para rito.

Sinisiguro ng gobernador na kahit wala siya sa lalawigan ay maayos na napapadaloy ang mga serbisyo ng bawat tanggapan at kaagad niyang nalalaman sa pamamagitan ng mga isinusumiteng weekly accomplishments ng mga ito at ang mga pinakahuling ipinatutupad na programa at proyekto ng bawat tanggapan.

Kamakailan lamang ay ibinaba ni Saulong ang mahigpit na panuntunan na dapat sundin upang siguruhing mabibigyan ng sapat na oras ang pagdalo rito sa pamamagitan ng pagpapataw ng multa sa mga mahuhuli sa pagdalo at hindi makadadalo rito.

Kabilang sa mga panuntunan ang P500 multa sa mga mahuhuli ng dating sa itinakdang oras ng pagsisimula ng pagpupulong, P1,000 multa sa bawat isang beses na hindi makadadalo rito at ang pagbabawal sa pagpapadala ng kinatawan sa pagpupulong.

Sa ganitong paraan nagiging bukas ang kapitolyo sa mamamayang Mindoreño sa mga nangyayari at mga nagagawa ng pamahalaang panlalawigan sa pakikiisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaang lokal. (LBR/LTC/PIAIVB/CALAPAN)

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines