Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 March 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
PBB Guidelines 2016
Click to Open
PIA Snapshot

120201-r6-goodjob
PIA Online
One Mindanao eNewsmagazine
One Visayas eNewsletter
One Luzon eNewsmagazine
ST@R eNewsmagazine
PIA Members Only:
PMIS | PANP Phone Directory
PIAEA Corner:
Application | View PIAEA Site
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
Information to Empower Filipinos
English NewsFoto ArchivesRegional WatchOFW Watch
FrontpageHeadlines by RegionNews ArchivePIA SpecialsICT News

PIA Press Release
Tuesday, January 31, 2012

 

Tagalog news: Metro Manila mayors tutugunan ang hamon ng climate change

ni Lucia F. Broño

QUEZON CITY, Enero 31 (PIA) -- Malalim ang dagok na idinulot ng bagyong Ondoy na muling pinaalala ng bagyong Sendong kaya’t sa nakaraang pulong ng Metro Manila Council, isang resolusyon ang kanilang binuo at pinirmahan upang matugunan ang hamon ng climate change.

Nakapaloob sa resolusyon na magsasagawa ng kanikanilang action plan ang lahat ng Metro Manila (MM) mayors upang maiwasan at mabawasan ang mga pinsalang dulot ng kalamidad sa kabuhayan, propiedad at buhay ng tao.

Ang action plan ay kanila ding tugon sa payo ni Climate Change Commission (CCC) Secretary Mary Ann Lucille Sering na kanilang naging resource person sa pulong na iyon.

Ipinaliwanag ni Secretary Sering na sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act No. 9729, ang mga lokal na pamahalaan (LGUs) ang dapat nangunguna sa pagbabalangkas, pagpaplano at pagsasagawa ng climate change Action plan sa kanikanilang lugar. Ito ay alinsunod sa probisyon ng Local Government Code ng National Framework Strategy on Climate change at ng National Climate Change Action Plans.

“Ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay maaaring humingi ng technical at financial assistance mula sa national government sa pagsasakatuparan ng kanilang action plan,” dagdag ni Sering.

Pahayag naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino sa isang panayam. “Bilang tugon sa hiling ng Climate Change Commission, ang mga LGU ay babalangkas ng kanilang action plan alinsunod sa National Climate Change Action Plan, na siyang roadmap for climate change adaptation and mitigation ng ating pamahalaan.”

“Amin pong tinalakay sa MMC ang karagdagang pakikiisa at pakikilahok para sa pagtugon sa tawag na mapagaan ang mga problemang dulot ng climate change,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito hinimok ni Tolentino ang mga mayor na tangkilikin at gayahin ang mga nauna nang ginawa ng ibang mayor sa pagtugon sa hamon.

Kaniyang pinapurihan ang pagbawal sa paggamit ng plastic at styropor sa mga packaging product sa mga lungsod ng Muntinlupa, Las Piñas, Makati, Quezon City at ng munisipyo ng Taguig.

Nagagalak siyang susundan na rin ito ng mga lungsod ng Mandaluyong, Caloocan, Manila at Valenzuela.

Sinabi rin ni Chairman na ang maayos na pagtatapon ng mga basura ay malaki ang magiging kontribusyon.

Sa parte naman ng MMDA, kanilang ipagpapatuloy ang estero blitz upang ang mga daluyan ng tubig sa Kamaynilaan ay tuluyan ng matanggal ang mga bara at maiwasan ang mga pagbaha.

Aniya pa, malaki ang hamon na kailangang tugunan kaya’t ang marubdob at masigasig na pagtugon ng iba’t ibang lokal na pamahalaan upang makatugon sa hamon ng climate change ay dapat lang tularan, pagpurihan at pasalamatan. (LFB/RJB/PIA-NCR

Latest Stories
  • DOST project beneficiary produces biggest 'ulang' (R02)
  • Solar energy to light up 75 more houses in off-grid areas in NegOr (R07)
  • DA plans to use Mindanao program in Luzon (R11)
  • DSWD 1 marks its 61st anniversary celeb in February (R01)
  • 500 poor families get 'bags of blessing' (R06)
  • Close to 200 Negros Occidental police officers get promotion (R06)
  • NGO urges public to collect, propagate seeds to create native tree forests in CV (R07)
  • Police Information Officers receives commendation medals (R06)
  • DSWD brings Pantawid Pamilya program to Dumaguete City (R07)
  • LGU issues guidelines on use of municipal filling station (CAR)
  • NGO to hold free breast, cervical cancer screening (R07)
  • Aklan detainees trained on proper waste management (R06)
  • Hiligaynon news: DOLE 6 may bag-o nga direktor (R06)
  • Mangrove tree planting to highlight World Wetlands Day (R06)
  • Balikbayan finds ulang production profitable (R02)
  • Hiligaynon news: Impormasyon sa populasyon sa Iloilo nagapakita pagkinahanglan sa pagmanehar sing maayo (R06)
  • Various activities to mark World Wetlands Day in Iloilo (R06)
  • Tagalog News: Tapul Reef, ipinapadeklarang fish sanctuary (MIM)
  • Hiligaynon news: Alert Level sa Yemen napanubo sa level 2 – DFA (R06)
  • P118-M worth of Infra projects implemented by Dipolog in 2011 (R09)
    FotoCatalogSitestats  
    GOOD NEWS Series
    goodnews
    PIA Special Sites:

    ASEAN Philippines

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines