 LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Marso 28 (PIA) -- Si Mang Rancy ay hindi lang pangkaraniwang street vendor, siya ay may kapansanan dulot ng sakit na polio. Na kahit hirap na hirap siyang kumilos at kumayod at nakapagtapos lamang sa antas ng elementarya, hindi parin ito naging hadlang sa kanya para magsumikap at magtaguyod ng kanyang pamilya. Dati, si Mang Rancy ay kumikita lamang ng Php. 2,000.00 kada buwan sa pagtitinda ng mga sari-saring chichirya’t kung anu-ano pa. Hindi parin ito nagging sapat para sa kanyang pamilya. Ang kanyang asawa sa kasalukuyan dahil sa kahirpan ay wala ring trabaho o hanap buhay, siya lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya. (PIA-3) |