 GLOBALLY-COMPETITIVE. Umabot sa 204 na mga guro, empleyado, pulis, newly graduates at TESDA NC2 passers ang nagsipagtapos sa Specialized Enhancement Course for HighSchool Teachers-Advanced Courses in Competitive English for Teachers (SPEECH-ACCENT) at English Language Proficiency-Pronounciation Power (ELP-ProPow) sa Language Skills Institute (LSI) sa Kapitolyo. Disyembre 12 sa Benedictine Nuns sa Salong, Calapan City, nang isa-isang tumanggap ng sertipiko ang mga nagsipagtapos mula kina Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., DepEd Schools Division Supt. Estrellita A. Dolor at TESDA Regional Operations Division-OIC Azuncion Ordoņa. Dumalo rin sa okasyon sina Bise-Gob. Humerlito A. Dolor Malampaya Foundation Program Manager Teddy Bolivar, at Supt. William Destura ng PNP. Pinangangasiwaan ni Gng. Olivia Palomaria ang Language Learning Program na naglalayong higit na paunlarin ang kasanayan ng mga guro at iba pang participants sa wikang Ingles at upang maging competitive ang mga Mindoreņo, lalo pat isa sa malalaking industriya ngayon ay ang outsourcing services kung saan kabilang ang call centers. (Photo courtesy: PIO) |