 TULONG PANGKABUHAYAN. Ang mabigyan ng kakayahan ang mga mamamayan na maitaguyod ang kanilang kabuhayan at maiangat ang uri ng kanilang pammuhay ang magkatuwang ngayong isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pangunguna ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., sa suporta ni 2nd District Congressman Reynaldo V. Umali, at iba pang mga opisyal ng lalawigan. Sa larawan, pinangunahan nina Gov. Umali at Cong. Umali ang pamamahagi ng 86 na makina ng mga bangkang de motor sa mga mangingisda at ilang Bantay Dagat mula sa bayan ng Bongabong. (Photo courtesy: PIO) |