 TULONG PANGKABUHAYAN. Kabilang ang Samahang Pangkabuhayan ng Iligan ng Barangay Pinagsabangan I, Naujan sa mga benepisyaryo ng P60,000 tulong pinansiyal sa ilalim ng programang Literasi at Kasanayan sa Hanapbuhay sa Kalibliban (LIKHA Ka) ng Pamahalaang Panlalawigan. Sa simpleng seremonya sa Provncial Capitol Square ay pinangunahan ni Gobernador Alfonso V. Umali, Jr., ang pamamahagi ng tseke kasama sina LIKHA KA Project Management Officer Lorelein Sevilla, PGOM Consultant Dr. Nelson Buenaflor, Special Assistant for Planning and Development Olivia Palomaria, at Pinagsabangan I Brgy. Capt. Jonathan Gasco. Layunin ng LIKHA Ka na maiangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-puhunan sa mga maliliit na samahan at organisasyon sa Oriental Mindoro. (Photo courtesy: PIO) |