Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 26 May 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2005/08/26

Komentaryo: Sa impeachment isyu

Ni Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (26 August) -- Sa mga lumalabas na isyu kaugnay ng required 79 signatories na kakailanganin ng oposisyon para sa otomatikong transmital ng article of impeachment sa senado, ay malapit na umano nilang maabot ito.

Katunayan, wala pa sa limampu ang nakuha nilang lagda, ngunit ilang mga miyembro ang pilit na nagpapahayag na sa malao’t-madali ay makakamit na umano nila ang bilang ng kinakailangang lagda. Dangan nga lamang at mismong mga kasamahan din nila sa oposisyon na sina Cong. Alan Peter Cayetano at Oscar Malapitan ang nagsabing di pa rin inaalis ang opsiyon ng walkout kung di mapagtagumpayan ang isinusulong na impeachment laban sa pangulo.

Wala ring tigil ang pag-aakusa nilang sinusulot diumano ng Malakanyang ang mga lumagdang kongresistang endorsers ng impeachment . Nagbigay din sila ng pahayag na sampung mga pro-administrasyong mga kongresista daw ang lilipat sa kanilang hanay upang pumanig sa kanilang layunin.

Ngayon pa lamang ay makikita nang nakakondisyon na ang isipan ng oposisyon na makukuha ang kanilang nais base na rin sa naging pahayag ni cong. Chiz Escudero na umano’y di tatanggapin ang pagkatalo sa nasabing proseso.


Sa Jueteng isyu

Makailang beses nang itinanggi at pinabulaanan ng Pagcor at ng Malakanyang ang ipinagpipilitang isyu ni Archbishop Oscar Cruz hinggil sa diumano’y layunin ng pamahalaang palitan ang jueteng sa sugal na bingo combo na aniya’y pamamahalaan daw ng Pagcor.

Matigas pa rin ang pahayag ng arsobispo at ni senador Ping Lacson na ito umano’y magsisilbing palagatasan ng Malakanyang. Isinabay ito sa pahayag ng malakanyang na durugin ng mga law enforcement agencies ang jueteng bago sumapit ang 2005.

Kung ihahalintulad ito sa proseso at strategy na ginamit noong panahon ni dating pangulong Estrada, makikitang parehas na formula ang ginamit sa layuning ilaglag ang pangulong Arroyo. Nagkaiba nga lang dahil mabigat ang mga ebidensiyang iprinisinta ng mga testigong nagpabagsak sa liderato ni erap, samantalang wala pang matibay na ebidensiyang lumabas laban sa pangulo kundi puro akusasyon pa lamang.

Sa ngayon ay hayaan muna nating umusad ang proseso ng impeachment sa ligal na pamamaraan upang masigurong mailabas ang katotohanan sa lalong madaling panahon.


Sa mga hakbanging ipinatutupad para malusutan ang krisis sa langis

Upang maisalba ang bansa sa bigat ng epekto ng pandaigdigang krisis sa langis na nararanasan natin sa bansa at ng iba pang nasyon, nagsisilbing inspirasyon at magandang halimbawa sa publiko at sa pribadong sektor ang pamahalaan sa pagpapaigting ng mga hakbangin tungo sa pagtitipid sa konsumo ng enerhiya at petrolyo.

Sa patuloy na pagtataas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan, pumalo na ito sa 68 dolyar kada barena na maituturing na siyang pinakamataas sa kasaysayan, at gaya ng inaasahan ay nakaapekto din ng husto sa merkado at palitan ng piso.

Bilang tugon, bumuo ang pangulo ng isang energy audit team na magsasagawa ng on-the-spot surprise inspection/spot check sa bawat sangay ng Gobyerno, GOCC’s at GFI, maging sa mga State Colleges at Unibersidad na pamumunuan nina Senior Deputy Executive Secretary Waldo Flores at Energy Usec Peter Abaya.

Layunin ng grupo na siguruhing naipapatupad ang programang energy conservation ng gobyerno sa bawat tanggapan/ahensiya ng pamahalaan upang makabawas ng 10 porsiyento ang konsumo sa enerhiya at petrolyo ng burukrasya. Kabilang dito ang maagang pagsasara ng mga air condition, computer at iba pang mga de-kuryenteng gamit pang-opisina ng pamahalaan.

Ipinag-utos din ng punong ehekutibo ang pagbebenta sa mga lumang sasakyan ng pamahalaan na mas magastos ang konsumo sa petrolyo at maging sa pagmamantina kumpara sa mga bagong modelo. Ang pagpupulong sa pamamagitan ng internet at telepono ay iniendorso ng presidente sa katwirang mas makakatipid umano sa petrolyo at panahon sa pagbibiyahe ang mga opisyal kung gagamit ng mas makabagong paraan ng komunikasyon.

Ang mga hakbanging ito ang tugon ng administrasyon sa bawat hamon ng krisis sa bansa sa mithiing mabura ang napakalaking budget deficit na siyang pumipigil sa implementasyon ng iba’t-ibang mga programa at proyekto na nakalaan para sa bansa.

Kooperasyon at pakikiisa ang pwede nating iambag bilang pagtulong sa pagsusumikap ng gobyerno na sagipin ang bayan sa malakas na hambalos ng krisis sa langis. (PIA-La Union) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»AFP search and recovery operation of disaster victims noted in Ilocos
»Chavit favors reconciliation between PGMA and Erap
»Unemployed folks find work thru LGU job fair
»PGMA OTOP project underway in Ilocos Sur
»Sorsogon lands among priority provinces of PEF
»Sorsogon mayor espouses social artistry for local development
»Service industry seen as growth driver for economic competitiveness
»Tapaz photovoltaic project most popular solar technology in use
»TESDA reg’l boss says skills dev’t tops agency tasks
»1st Capiz farmers’ convention set
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines