Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 26 May 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2005/12/01

Komentaryo: Sa isyu ng taning kay Noli

Ni Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (1 December) -- Inalok ng black and white movement na pinangungunahan ng mga dating miyembro ng gabinete ni Pangulong Arroyo si Vice-President Noli De Castro na pangunahan ang panawagang pagbibitiw ng punong ehekutibo ng bansa.

Ibinasura naman ito ni Vice-President De Castro at di binigyang-pansin ang alok na ito sa kaniya. Kaugnay nito, tinapos kagabi ang binigay na taning kay De Castro at ayon sa black and white movement ay hihilingin na rin daw nilang mag-resign na rin ito dahil sa umano'y patuloy na pakikipag-alyansa nito sa pangulo.

Kanilang ipinagmamalaki na sa kanila umano nakasalalay ang kapakanan ng bansa bilang repleksiyon daw ng pinoy na may paninindigan. Ilan sa mga ipinagmamalaking kaalyado ng grupo ay sina dating pangulong Cory Aquino at Senate Pres. Franklin Drilon

Makaraang mabigo sa paghikayat kay De Castro, pasisimulan na diumano ng black and white movement ang panibagong serye ng mga kilos protesta upang pababain sa puwesto ang pangulo at pangalawang pangulo.

Di kaya isa na itong halimbawa ng pambablackmail dahil kung di pumayag ang isang hihikayating opisyal sa kanilang kagustuhan ay ituturing na nila itong kalaban na dapat ipatanggal sa puwesto?


Sa isyu ng cha-cha

Iba talaga ang nagagawa ng pulitika sa pag-iisip ng isang pulitiko. Tulad na lamang ni Sen. Nene Pimentel na noong panahon pa ni dating pangulong Fidel Ramos ay isinusulong na ang pagbabago ng saligang-batas, samantalang ngayong nagsimula ng umusad ang proseso sa kongreso, nangunguna naman siya sa pagharang dito.

Ngayong umusad na ang proseso sa kamara sa pagkakapasa ng Concurrent House Resolution No. 26 kung saan ay iko-convene ang kongreso para sa isang constituent assembly, saka naman parang nag-iba ang desisyon ng mga senador na pinangungunahan nina senador Nene Pimentel, Joker Arroyo at Manny Villar na dati'y pare-parehong nagsusulong para sa pagpapalit nito.

Maging ang "viva voice" style sa pagboto ng mga kongresista sa concurrent resolution no. 26 ay inintriga ng mga senador dahil railroaded daw ito. Ang kanilang sinasabing dapat ay nominal voting na ginawa ng mga representative ay nakalaan sa gagawing pagpapaliwanag sa ilang tadhana na konstitusyon na papalitan at ito'y sa mismong proseso na ng charter change gagawin.


Sa isyu ng dayaan daw sa SEA Games

Nagreklamo ang mga opisyal ng Thailand na diumano'y may nangyayaring dayaan sa Sea Games. Bago pa man magsimula ang palaro, kaliwa't-kanang paratang na ang ating narinig maging sa mismong coach ng women's boxing team ng Thailand laban sa pilipinas.

Naghayag ng akusasyon si Jjaruk Areerajakaran, ang head ng Thailand Olympic Committee na nagsabing hindi umano sila makakakuha ng medalyang ginto sa Pilipinas dahil aniya'y nandadaya daw ang Pinoy.

Kailan naging kasalanan ng sinuman ang manalo ng mga gintong medalya sa mga palakasan?

Sabi ni Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra mas inaatupag raw ng pilipinas ang mangolekta ng medalya kaysa pataasin ang diwa ng sea games.

Ilang ulit nang napatunayan sa lahat ng mga bansa maging sa professional league gaya ng NBA sa Amerika na malaki ang bentahe ng paglalaro sa homecourt. Hindi rin masasabi ng kahit na sinong atleta o ng alinmang bansa na lagging nasa kanila ang suwerte dahil dumarating din naman ang mga pagkakataong nakakahanap din ng katapat ang bawat manlalaro gaano man ito kagaling.

Isa itong indikasyon na kaya rin nating sabayan ang ibang bansa sa anumang palakasan basta't paghuhusayin lamang nila ang kanilang training. Maaring bumabawi na rin tayo sa mga naging pagkatalo natin sa mga nakaraang larong palakasan/ Sea Games.


Sa isyu ng Pulse Asia survey

Sa pag-aaral na isinagawa ng Pulse Asia noong October 15 hanggang 27, lumitaw na 33 percent ng kanilang respondent ay gusto nang mag-abroad at mag-migrate sa ibayong dagat dahil wala na raw pag-asa ang pilipinas, mas mataas ito kumpara sa 26 percent na naitala noong july.

Seventy-four percent rin ng mga respondent ang nagsabi sa survey na inaasahan nilang mas hihirap pa ang buhay dito sa bansa sa mga susunod pang mga taon.

Ginawang katwiran ng mga pinoy respondents na ito ang mataas na presyo ng langis at maging ng expanded value added tax.

Marami na sa atin ang naging negatibo ang pananaw dala na rin ng sobrang pamumulitika at ang ibang mga pinalalabas na mga negatibong isyu na lalong nakakagulo at nagpapahirap ng kalooban ng mga mamamayan.

Kaya tuloy marami sa mga pinoy ang nag-iisip na mas magiging maayos ang kanilang pamumuhay kung mangingibang-bansa na lamang at mas malaki pa raw ang kanilang kikitain dahil dolyar, euro at dinar ang kanilang tinatarget.

Kung bukas lang ang isipan ng marami, makikita nila na dito sa pilipinas, puwede kang mabuhay at kumain ng tatlong ulit sa isang araw at makabili ng pangunahing pangangailangan sa iisang trabaho hindi tulad sa abroad na kailangang may isa, dalawa o tatlong hanap-buhay.

Sa Pilipinas rin mas mura ang mga bilihin at maging ang buwis kumpara sa Japan, Amerika, Canada at ilan pang bansa. Siyempre pa, malaki ang value ng dolyar sa pilipinas pero pagdating sa abroad, wala itong ipinag-iba sa piso natin na kung tutuusin ay tumataas na ang halaga.

Hindi rin problema sa pilipinas ang racial discrimination at kung peace and order at kriminalidad ang pinag-uusapan, mas maganda pa rin ang lagay natin kumpara sa amerika.

Ika nga ni Gat Jose Rizal, "wala nang hihigit pa kaysa mabuhay sa sariling bansa". (PIA Ilocos) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Commentary: Good governance in charter change
»Sarangani officials hail "Invest in Sarangani Project"
»Central Mindanao is virtually accessible
»Central Mindanao now MT outsourcing destination
»Gensan is ICT ready
»Sarangani: "A diamond on the rough waiting to be polished"
»Davao steps up fight vs HIV/AIDS
»Older persons should have access to social services - DSWD
»4-2-km DAR farm-to-market road project set for turn over
»
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines