Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 21 August 2018 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2018 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2005/12/01

Commentary: EVAT at OFW remittances solusyon sa problemang pang-ekonomiya

By Freddie G. Lazaro

Laoag City (1 December) -- Dahan-dahang bumabalik ang tiwala ng sambayanan sa gobyerno dahil sa nakikita nilang kaseryosohan ng Pangulong Gloria Arroyo na tugunan ang problemang pang-ekonomiya ng bansa.

Pinatutunayan ito sa muling pag-angat ng approval at trust rating ng presidente sa pinakahuling survey ng pulse asia at paglobo ng remittances ng mga kababayan natin na nagta-trabaho sa ibayong dagat.

Taliwas ito sa nakalipas na panahon kung saan bumaba ang padalang salapi ng mga ofw dahil sa pag-ipit nila ng kinita o kaya naman ay idinadaan ito sa mga tinaguriang "informal channel".

Dulot na rin ito ng pagsisikap ng gobyerno na higit na pagandahin ang money transfer facilities para sa maayos at secured na pagpapadala ng kinitang salapi ng ating milyun-milyong kababayang ofw.

Dito nakilala ang pilipinas, bilang isang mahusay at maaasahang source ng mga matatalino, masisipag at mapagkakatiwalaang mga tauhan at kawani na magpapaunlad ng mga industriya at kabuhayan ng maraming mga bansa.


Sa isyu ng Pulse Asia rating

Mahiwaga ang resulta ng survey ang pulse asia na kanilang ginawa sa pagitan ng oct. 15 hanggang 27 kung saan ay sinasabing mayorya ng ating populasyon ang hindi pabor sa pagkakabasura ng kongreso sa impeachment complaint laban sa pangulong gloria macapagal arroyo na nakabase lamang sa hello garci tape.

Mahalagang malaman ng publiko kung sino ang nangumisyon sa pulse asia para sa nasabing survey at maging ang timing nito. Ang huling linggo ng nagdaang buwan ng oktubre ay kritikal dahil emosyonal ang sambayanan kaugnay sa pagpapatupad ng expanded value added tax law na sinimulan noong nobyembre uno.

Kulang ang pang-unawa ng sambayanan sa evat dahil binomba ito ng negatibong komento mula sa mga grupong matagal ng umaasinta sa pwesto ni pgma at ito ang pagkakataong sinamantala ng mga taga-oposisyon.

Ayon sa report ng pulse asia na kinuha mula sa may 1,200 respondents sa mga hindi binanggit na lugar sa metro manila, luzon, visayas at mindanao, 84% o walo sa bawat sampung mga pinoy ang hindi sang-ayon sa pagkakabasura ng impeachment complaint.

Sa nasabing survey ay umakyat ng 8% ang net trust rating ng pangulo na naitala sa -34% kumpara sa -42% noong buwan ng hulyo. Isa sa mga naging hatak nito ay ang kabiguan ng oposisyon na patunayan ang kanilang mga alegasyon laban sa punong ehekutibo.

Inaasahan din na magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng trust rating ng pangulo dahil sa pag-ganda ng takbo ng ating ekonomiya bunsod ng implementasyon ng evat na sinabayan pa ng pagbulusok ng presyo ng produktong petrolyo. (PIA Ilocos) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Commentary: Good governance in charter change
»Sarangani officials hail "Invest in Sarangani Project"
»Central Mindanao is virtually accessible
»Central Mindanao now MT outsourcing destination
»Gensan is ICT ready
»Sarangani: "A diamond on the rough waiting to be polished"
»Davao steps up fight vs HIV/AIDS
»Older persons should have access to social services - DSWD
»4-2-km DAR farm-to-market road project set for turn over
»
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines