Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 18 November 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2005/12/12

Komentaryo: 2006 budget ng AFP nanganganib dahil sa "security breach" sa ISAFP

ni Miriam P. Aquino

San Fernando City, La Union (12 December) -- Sa kasagsagan ng hello garci investigation, inihayag ng ilang senador, partikular ni Senate Finance Committee Chairman Manuel Villar, na iipitin ang 2006 budget ng Armed Forces of the Philippines dahil umano sa lumutang na issue ng security breach sa ISAFP compound.

Maging ang kumpirmasyon ng Commission on Appointments kay AFP Chief of Staff Gen. Generoso Senga ay nalalagay rin sa alanganin.

Mahigpit kasing ipinagbabawal sa Executive Order 464 ang pagtayong witness ng isang opisyal ng pamahalaan at mahigpit din itong ipinatutupad sa ahensiya kaya’t di basta-basta pinapayagang tumestigo sa senado ang mga opisyal ng ISAFP na kasangkot sa wiretapping isyu gaya ni T/Sgt. Vidal Doble.

Lubhang di kanais-nais ang inihayag ni Marietta Santos, katipan ni ISAFP agent t/sgt Vidal Doble, na labas-masok diumano siya sa ISAFP compound at maging hanggang sa mga sensitibong lugar dito. Ngunit dapat din sigurong magsiyasat munang mabuti ang senado at ang mismong AFP officials kung totoo ngang ganito kaluwag ang seguridad sa kanilang hurisdiksiyon.

Wag sanang magpadalus-dalos ang ating mga senador dahil napakasensitibong ahensiya ng AFP at seguridad ng bansa ang nakataya dito. Grave abuse of discretion ang kalalabasan ng ating mga senador kapag itinuloy nilang ipitin ang AFP budget.

Maaring magkaroon ng pagbabago o reporma sa sistema ng AFP ngunit di-makatwirang kaltasin ang kanilang taunang budget dahil nasa kainitan tayo ngayon sa ating laban sa terorismo. Maaring manganib ng husto ang performance ng ating sandatahang-lakas at maaring malagay sa alanganin ang sitwasyon at seguridad ng buong sambayanan kung seseryosohin ng ating mga senador ang kanilang banta hinggil sa isyu.


Sa isyu ng cha-cha

Sinimulan ng mga napiling mga miyembro ng Consultative Commission o ConCom ang masusing pag-aaral sa mga probisyon ng saligang-batas noong Setyembre, at ngayon ay nakatakda nang isumite ng mga miyembro ng komisyon ang resulta ng kanilang naging pag-aaral sa darating na Disyembre 15, ang kanilang rekomendasyon sa anila’y nararapat lamang na rebisahin o baguhin sa mga probisyon.

Marami at pertinente na ang napaulat na aprubadong rekomendasyon ng con-com na nag-stir din ng debate at pangamba sa ilang sektor. Kabilang dito ang pagbabago ng sistema ng gobyerno, pagtanggal ng legal blanket sa AFP na maglunsad ng kudeta, pagbubukas sa mga dayuhan ng full ownership ng mga negosyo sa bansa at abolisyon ng parusang kamatayan.

Base pa sa desisyon ng con-com, ang isyu ng federalismo ay hindi naman kaagad maipapatupad bagkus ay bibigyang daan ang 10 taong transition period. Ipapaubaya din sa bawat mamamayan ng isang rehiyon ang karapatang desisyunan kung nais magkaroon ng otonomiya sa kanilang lugar o hindi.

Kapag nakumpleto na ang trabaho ng con-com, agad namang ipapasa ang bawat isinumiteng rekomendasyon sa mababang kapulungan na siyang magsasagawa ng charter change.

Posibleng magkaroon ng matagalang debatehan dito pag inumpisahan na ang cha-cha sa kadahilanang mas pinapaboran ng kamara ang ‘constituent assembly’ o mambabatas ang gagawa ng cha-cha at ‘constitutional convention’ naman ang gusto ng senado kung saan ay kakailanganing maghalal ng 200 delegado upang tuluyang maamiyendahan ang konstitusyon.

Aminado si con-com chairman Jose Abueva na mas pabor diumano ang pinoy sa con-con kesa sa con-ass dahil ayon sa kanila, maaaring manaig daw ang vested interests ng mga politiko sa cha-cha kung con-ass ang paraang pipiliin para dito.

Parehong mahusay ang argumento para kontrahin o paboran ang con-con at con-ass. Pero ang katotohanan sa pagiging magastos ng con-con ay hindi maaaring malunasan samantalang ang pangingibabaw ng vested interests ng mga politiko sa con-ass ay maaari nating kontrahin sa pamamagitan ng pagiging mapagbantay sa proseso.


Sa isyu ng masamang pasko ng manufacturers

Naninibago ngayon ang karamihan sa mga negosyante, retailers at manufacturers, sa mahinang benta at kita ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Nasanay na kasi sila sa mga nakaraang mga taon kung saan ang mga pinoy ay walang patumangga sa paggastos pag pasko dahil ito umano ang tamang panahon ng pagbibigayan.

Sa kabila daw ng paglakas ng piso at pagbuhos ng remittances ng overseas filipino workers, iniipit pa rin ng maraming pinoy ang kanilang salapi. Ang mga negosyante na rin ang nagsabi na dahilan nito ang political uncertainty at ang mataas pa ring presyo ng mga produktong petrolyo.

Bumababa man ang presyo ng oil products, hindi pa rin ito sapat para maalis ang pangamba ng mamamayan sa inflation o pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Bagay na walang control ang gobyerno dahil dulot ito ng dikta ng pandaigdigang pamilihan.

Bagaman sunud-sunod pa rin ang problema, marapat lamang na manumbalik ang ating kumpiyansa sa ating gobyerno at sa takbo ng ekonomiya dahil patuloy na tumataas ang halaga ng piso na ngayon ay itinuturing nang currency leader sa South East Asia.

Dagdag pa rito ang mga oportunidad na inaasahang papasok sa bansa matapos ang pagdalo ng pangulong Arroyo sa Asean Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kung mananatili ang ganitong takbo ng piso at ng ekonomiya, hindi malayong makamit natin ang ating minimithing tuluyang pag-angat ng ating ekonomiya. (PIA-Ilocos) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»SC builds P25-M Talisay City hall of justice
»Zamboangueños are good citizens of the state, bishop assures GMA
»Con-Com debate: RP disintegration feared in federalism
»ConCom committee OKs gradual shift to federalism
»Kalinga farmers foresee merrier Christmas
»DOLE conducts training on medical transcription
»Alay Lakad benefits Kalinga OSYs
»Lang-ay becomes regular highlight of Mt. Province day
»Kalinga generates P2.9-M from Impakabsat 2005
»2006 Ullalim festival readied
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines