Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 18 November 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2005/12/14

Commentary: Sa isyu ng wiretap controversy at boses ni Garcillano

Ni Freddie G. Lazaro

Vigan City (14 December) -- Nagsalita na rin ang Armed Forces of the Phils (AFP) hingil sa isyu ng Garci probe matapos ang matagal nilang pananahimik. Direkta nang na-pinpoint ang ISAFP at natukoy ang labing apat nitong ahente bilang kasangkot sa pag-wire tap sa Pangulong Arroyo kaya hindi na maiiwasan ng AFP ang bagay na ito.

Umamin din ang AFP na nagsasagawa ito ng internal investigation sa wiretapping activities ng mga miyembro ng ISAFP. Ayon sa spokesman ng sandatahang lakas, Col. Tristan Kison, anim na buwan na daw ang itinatakbo ng imbestigasyon.

Pero nakapagtatakang ngayon lamang nila ipinahayag ito gayong matagal na silang inuungkat tungkol dito. Kundi pa ipinanakot ng mga senador ang pagkaltas sa budget ng AFP at ang pag-ipit sa kumpirmasyon ng AFP Chief of Staff ay malamang na hindi pa kumibo itong AFP.

Sa ngayon, bigyan natin ng benefit of the doubt ang AFP sa isinasagawa nilang imbestigasyon. Recently lang ay napatunayan na nilang kaya nilang maging patas sa pagdidisiplina sa kanilang kabaro sa kaso ng mga Magdalo soldiers at kaso ni Ret. M/Gen. Carlos Garcia.

Dapat ay tiyakin ng liderato ng sandatahang lakas kung nagkaroon nga ng breach of security sa ISAFP. Napakahalaga sa national security ng bagay na ito lalo na't kung mapatutunayan na mayroon nga sa hanay ng militar na nangahas tiktikan ang pinakamataas na pinuno ng bansa. Kailangang alamin ang naging motibo sa likod nito upang maproteksiyunan ang pambansang interes.

Ipinapako natin ang pag-asa sa AFP sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng wire tapping aspect ng hello garci controversy. Nasa gitna kasi nito ang ISAFP at walang ibang makakaunawa ng lubos sa military mindset kundi militar din.

Aminado tayong lahat na ang pag-wire tap sa pangulo ang highest level ng breach of security. May basehan kung ituring itong national security concern. Seryosong bagay ang malabag ang privacy ng pinakamataas na opisyal ng bansa lalo na kung ang mismong mga sundalo ang inaakusahang nasa likod nito.

Isang hamon sa AFP na ipakita ngayon ang pagiging higit na patas nito. Kailangang maging transparent ito sa lahat ng hakbang ng wire tap probe. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang hinala ng marami na mawa-whitewash lang ang imbestigasyon. Mahirap ang kanilang sitwasyon dahil hanggang maaari ay nararapat na iwasan ang pag-usbong ng hinala na lutong macau na ito.

Sa kainitan na naman ng political intrigues, hindi na naiwasang makaladkad na naman ang militar. Sagabal ito sa seguridad ng bansa dahil maaaring samantalahin ng mga kalaban ng estado ang pagiging abala ng AFP leadership sa isyu ng wire tap. Kaya ito ang dapat na magtulak sa AFP na agad tapusin ang imbestigasyon upang maibalik na muli sa tamang focus ang kanilang atensiyon.


Boses ni Garcillano

Ayon sa isang voice expert, Jim Sarthou, na ibinabandera ang 27 taong pagiging eksperto, nadetermina daw nito sa pamamagitan ng kanyang "expert ear" na walang kaduda-dudang si Garcillano at ang pangulo ang naka-record sa binansagan na "mother of all tapes".

Dahil sa 27 years na experience ng mama, hindi na daw nito kailangan ng anumang equipment para magsagawa ng voice analysis. Pero ang tanong eh, paano kung kaboses ang pakikinggan niya? Kaya ba ito himayin ng kanyang "expert ear"?

Sa ginawang presentasyon sa media gamit ang multi-track system, ipinakita ni Sarthou ang sistema ng kanyang pagdetermina kung alin sa mga naglutangang kopya ng garci tapes ang orihinal at spliced. Ang kanyang hatol… ang bersiyon ng Phil. Center for investigative Journalism gayundin ang tape na galing kay Sen. Panfilo Lacson, ang cd ni Atty. Allan Paguia at ang sinasabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na spliced ay pawang original at nagmula sa iisang mother tape.

Ang inilabas ni Sec. Bunye na original version na may boses ni Edgar "bong" Ruado ay siya daw spliced. Si Ruado ang dating political officer ng Pangulong Arroyo na ngayon ay staff na ni Negros Occidental Cong. Iggy Arroyo.

Pero sa kanyang deklarasyon na boses ni Garcillano ang nasa tape ay walang basehang scientific voice analysis na ipinakita sa media itong si Sarthou. Ang kanya lang daw ekspertong tenga ang kanyang ginamit. Reliable ba ito? Ang american sound expert na si Barry Dickey na nauna nang kinomisyon ng oposisyon para i-analyze ang garci tape ay hindi nakapagbigay ng pinal na findings kung boses nga ni Garcillano ang nasa tape dahil kailangan pa raw nito ang dagdag na voice samples.

Pero itong si Sarthou, ang pinagbasehan lamang ay ang narinig niyang boses sa tapes at ang boses ni Garcillano sa tv interviews nito at sa pagharap sa garci probe ng kamara noong nakaraang Miyerkules na narinig din lamang niya sa tv.

Ano ngayon ang probative, legal at legislative value nito? Hindi natin maintindihan kung bakit kailangan pang kumuha ng sound expert ng oposisyon samantalang ang tagal ng isyu ng boses ni Garcillano. O ngayong naglabas ng findings si Sarthou, saan gagamitin ito? Sarado na ang presidential electoral tribunal at pati na ang impeachment maliban na lamang kung maghihintay sila ng isang taon para makapaghain ng isang panibagong complaint.

Gayunman, wala ng halaga ang anumang pahayag ni Sarthou lalo na't ang subject ng tape ay nagsabing hindi niya matukoy kung kanya ang boses. Bukod dito, kung wiretapped nga ito ay hindi rin naman magagamit sa anumang korte o proceeding. (PIA Ilocos) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»OCD 12 orients media on disaster management
»GenSan police well-prepared for the holiday season
»Three slain, 5 wounded in Sorsogon clash
»Bicol RLECC reorganized
»60 child laborers get treat during DOLE's 72nd anniversary
»Statistics help policy makers draft right policies - NSO
»MOMCO boosts incomes of OFW dependents - Dulatre
»Komentaryo: Sa Isyu ng P8-billion pork barrel
»Award-winning Mindanao short film earns raves, praises
»Gov't dismisses rumored coup
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines