Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 29 March 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << March 2020 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/09/19

Komentaryo: Aerial spraying, isang hot isyu

by Rose B. Palacio

Davao City (19 September) -- Ipinatatawag ng Department of Health XI Director, Dr. Paulyn Jean Rosell-Ubial ang lahat ng mga committee members ng Regional Inter-Agency Committee on Environmental Health (RIACEH) sa isang miting sa Setyembre 22 (Biyernes) sa DOH regional office upang mapag-usapan ang aerial spraying sa mga banana plantations, na isang mainit na isyu.

Noong nakaraang RIACEH meeting, na tinampukan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na pawing mga miyembro ng naturang komite, nagpaliwanag si Fertilizer and Pesticide Authority regional officer Estrella Laquinta na magkaminsan ay misquoted siya ng ibang media kung kaya’t hindi siya lubusang naintindihan ng taongbayan.

Ang guidelines o panuntunan sa aerial spraying tulad ng “required buffer zones” ay formulated gy FPA at ito naman ay sinusunod ng mga banana plantation owners.

Gayunpaman, iniinbestiga ito ng city government, ng city council at mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno matapos na magkaroon ng sari-saring reklamo ang ibang nainirahan sa paligid ng banana plantations na umano’y naaapektuhan ang kalusugan ng mga tao na naninirahan sa malapit sa plantaasyon.

Sinabi ni Director Ubial na kailangang makakuha sila ng iba’t-ibang lehitimong resulta sa mga imbestigasyong ginagawa din ng ibang ahensiya upang maging gabay para malutas ang reklamo ng mga tao.

Ang ilan sa mga residente na naninirahan sa paligid o malapit sa banana plantations umano ay nagkakasakit sa balat o iba pang karamdamang nakukuha dala ng aerial spraying sa plantasyon. Bago magkaroon ng isang ordinansa na ipapasa sa city council, masusing inaalam ngayon ang lahat ng bagay at inaalam ang tunay na dahilan sa pagkakasakit, umano, ng mga tao na naninirahan sa paligid ng banana plantation.


Graft-busters, ilalagay sa mga ahensiya ng gobyerno

Nagbigay ng memorandum order si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno upang maglagay ang mga ito ng sariling graft-buster o appointed na Ombudsman Coordinator para matulong sa kampanya ngayon ni Pangulong Arroyo sa pagsugpo ng corruption sa lahat ng tanggapan ng gobyerno.

Sa kasalukuyan, kailangang maaksyunan kaagad ng ahensiya ng gobyerno ang anumang dokumento na official requests na darating sa kanilang tanggapan at di ito dapat palampasin ng l5-araw. Pag umabot ito ng mahigit sa 15-araw at hindi naaksyunan ng concerned agency, kailangang ipaalam ito agad sa Ombudsman at ipabatid kung ano ang naging dahilan sa di-pagaksyon sa naturang sulat o official requests.

Nanawagan si Ombudsman Gutierrez sa lahat ng ahensiya ng gobyerno upang makpagtulungan sa kampanya laban sa corruption sapagka’t ito lamang ang paraan upang maenganyo ang ibang local at foreign investors upang magopundar ng kanilang capital sa Pilipinas. (PIA XI) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Biliran posts lowest percentage of CICL cases in Region 8
»Assign graft-busters in all gov’t agencies - Ombudsman
»DOH to tackle aerial spraying
»Japan grants wider access to RP high-value commercial fishes
»Philippine Society of Hospital Pharmacists organizes Davao chapter
»NFA assists food-for-school program
»DavOr champions service-delivery
»Kids for Peace, 2 others win British Council grant competition
»Asuncion town turns 58 with grand festivity
»Komentaryo: Aerial spraying, isang hot isyu
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines