Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 19 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/04

Tagalog News: HUDCC, tiniyak na may maayos na malilipatan ang mga residenteng apektado ng rail linkage project

Manila (4 April) -- Tiniyak ni Vice President at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman Noli de Castro kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na may maayos na malilipatan ang mga residenteng apektado sa gagawing North and South Rail Linkage Project. Aniya, may tubig, kuryente, malls, mga paaralan at pagkakataong makapag-trabaho ang lugar na paglilipatan ng mga pamilyang ililipat.

Ito ang naging pahayag ni de Castro sa Pangulo ng ito ay bumisita sa barangay 630, Zone 63, District 6 ng Manila upang alamin ang status ng lugar na paglilipatan sa 1,632 pamilya (informal settlers) na apektado ng proyekto.

Ang naturang proyekto ay magdurugtong sa Northern at Southern railways sa isang makabagong national railway system na nais ng Pangulo sa ilalim ng pinagsanib na Philippine National Rail Authority.

Sa pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan kay Pangulong Arroyo at De Castro, ipina-hayag ng mga residente ang kanilang hinaing sa magiging problema sa tubig, paaralan at pag-kakakitaan sa lugar ng paglilipatan

Agarang sinagot naman ito ni De Castro na wala silang dapat alalahanin dahil inuna umano nila ang mga pangangailangan ng mga ito. Maari din umano sila makapamimili

kung saan nila ibig lumipat. Ito ay sa Cabuyao, Laguna; Trese Martires City sa Cavite; Bocaue, Bulacan o maari din silang makabalik sa kanilang lalawigan sa ilalim ng programang Balik-Probinsiya ng pamahalaan. (CGI/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Gov't promotes use of alternative fuels
»Women featured in social welfare forum
»Gov't mitigates hunger in RP
»Taiwanese fishing boat rescued at high seas
»Region XI families need P6,290 monthly income to survive
»Adventure racing, mix martial arts dominate latest Scoop forum
»Komentaryo: Pagkain para sa mga nagsisipag-aral
»Feature: Foreign debt reduction and the economy
»Great expectation for another power rate cut
»Transco ensures reliable delivery of electricity during 5-day holiday
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines