Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/11

Komentaryo: P4-B pondo para sa anti-hunger program

by Rose B. Palacio

Davao City (11 April) -- Maliban sa P1-bilyon na pinalabas ni Pangulong Arroyo para sa anti-hunger program ng kanyang administasyon, nag utos ang Pangulo ng dagdag na P4-bilyong pondo para sa naturang programa.

Inatasan ni Pangulong Arroyo si Budget Secretary Rolando Andaya Jr. na magpalabas ng pondo upang magamit sa mga mahihirap na sector at matulungan ang ating mga kababayang naghahangad na sila’y matulungan ng pamahalaan.

Ang pondo ay inilaan para sa food for the school children at job employment generation. Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Kagawaran ng Kalusugan na mamuno sa pagpapatupad ng programa.

Dahil sa summer vacation ngayon, ang gobyerno ay makikipag-ugnay sa mga church-based organizations sa pagpapatupad ng anti-hunger program sa mga komunidad at depressed barangays.


Nanawagan ang pamahalaan sa oposisyon

Nanawagan ang Malakanyang sa mga oposisyon na tigilan na ang pagbabatikos sa dagdag na pondong inilaan ni Pangulong Arroyo para sa mahihirap.

Sinabi ni Presidential spokesperson & Press Secretary Ignacio Bunye na ang dagdag na P5-bilyon para sa anti-hunger program ng Pangulong Arroyo ay hindi inilaan para sa eleksyon kundi ito’y nakatuon para matulungan ang mahihirap nating kababayan.

Ang nararapat nating gawin ay bigyan ng pagpapahalaga ang mahihrap nating kababayan at huwag gawing isyu laban sa pamahalaan ang pondong inilaan sa anti-hunger program ng administrasyon.

Napag-alaman na binibiyan ng ibang kahulugan ng mga kalaban ng administrasyon ang pagpapalabas ng pondo para sa mahihirap. Kung tutuusin ay matagal nang ipinatutupad ng Pangulong Arroyo ang tulong para sa mahihirap sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan o KALAHI program.

At lalo itong pinalakas dahil sa gumaganda ang ekonomiya ng bansa at kailangang maiparating din sa mga mamamayan ang tinaguriang “social payback” at maranasan ng mahihirap nating kababayan ang resulta ng “bitter pill” na kanilang naranasan sa pagpapatupad ng EVAT noong nakaraang taon, ani Bunye. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»PNP, PA ready extensive probe on DAPECOL raid
»P1.1-B set for delayed GSIS pensions
»Anti-TB drive intensified
»Milk feeding program to address malnutrition in the country
»Biotechnology to expand to 10 poorest provinces
»Halal certifying body for Region 12 opened
»SMI brings smiles to children
»Komentaryo: P4-B pondo para sa anti-hunger program
»Belgian envoy visits Siquijor
»ECCD improves Siquijor day care centers' operation
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines