Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/12

Tagalog News: 200 mangingisda nagsanay para maging "Bantay Dagat"

Ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS (12 April) -- Dalawandaang mangingisda ng lalawigan ang sumailalim sa 15 araw na pagsasanay para maging “Bantay-Dagat”.

Ayon kay Provincial Agriculturist Gloria Carillo, layunin ng naturang pagsasanay na maresolbahan ng mas maaga ang mga maliliit na problemang kinakaharap ng mga mangingisda sa lalawigan lalo na yaong mga bayang malapit sa coastal area tulad ng Bulakan, Obando, Paombong, Hagonoy, Meycauayan at Lungsod ng Malolos.

Dagdag pa niya na ang mga coastal area sa mga bayang ito ang pangunahing nakakaranas ng problema hinggil sa ilegal at maling paraan ng pangingisda sa lalawigan at sa polusyon na maaring maging sanhi ng tuluyang pagkasira ng katubigan at pagkaubos ng mga nahuhuling isda.

“Sa pamamagitan ng nasabing programang, inaasahang muling makikita ang bayanihan at aktibong partisipasyon ng mga mangingisda sa iisang adhikain na maipatupad ang mga batas sa pangisdaan, mapangalagaan ang yamang-tubig at maibalik ang dating maramihang pangingisda”, ani Carillo.

Binigyan ang mga mangingisda ng libreng pag-aaral tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa katubigan, ang mga batas sa pangisdaan, mga tungkulin ng isang Bantay-Dagat at ang mga panganib na kanilang susuungin.

Sila ang magiging tagasubaybay ng mga katubigan sa lalawigan at katulong ng kapulisan at pamahalaan para sa agarang pagbibigay aksyon.

Sinabi pa ni Carillo na nararapat umanong makipagtulungan ang mga bayan upang maagapan ang pagkasira ng yamang-tubig.

Aniya, dalawa pa lamang sa mga coastal area sa lalawigan ang nakapagpasa ng Municipal Fisheries Ordinance kabilang dito ang Lungsod ng Malolos at bayan ng Bulakan habang kasalukuyang nakabinbin ang sa Obando at ilang mga bayan.

“Kailangan ng pamahalaan ng katuwang sa pangangalaga ng katubigan sapagkat ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisdang Bulakenyo at ng kanilang pamilya at dapat na panatilihin ang kaligtasan ng ating katubigan,” ani Carillo.

Ang naturang programa ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Panlalawigang Tanggapan sa Pagsasaka at sa pakikipagtulungan ng mga nabanggit na bayan at lungsod, kasama ang Municipal at City Fisheries and Aquatic Resources Region III at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). (PIA Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Troubleshooter is new Davao penal colony chief
»GSIS explains e-Card for pensioners
»DILG wants unified plan vs terror in Mindanao
»Community radio empowers Comval town
»Pag-IBIG to pour P25 billion-fund for ‘07
»Pag-IBIG among country’s biggest taxpayers
»AIM brings 4-day course to Davao
»1Lt Cris Paul Agustin: "Matapang sa lahat ng bagay"
»Davao Light-assisted lumad scholars get college degree
»Komentaryo: Tumataas, kumpiyansa ng int’l investors
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines