Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/13

Komentaryo: e-Cards para sa mga pensioners, tapos na

by Rose B. Palacio

Davao City (13 April) -- Inihayag ng Government Service Insurance System (GSIS) na malapit ng mabigyan ng e-Cards ang lahat ng mga pensiyonado sa Davao region. Bago matapos ang buwang ito, malamang ay maaayos na rin ang problema sa e-Cards na makapagbibigay ng higit na epektibong serbisyo para sa mga miyembro ng GSIS at mga pensiyonado.

Nagsimula ng malunasan ang nirereklamo ng mga pensiyonado na pagka antala sa pagkuha ng kanilang pension. Sa kasalukuyan, ang problemang ito ay lubusan ng matatapos, ayon sa GSIS.

Pagkatapos ng “cleansing process” na ginawa ng GSIS, hindi na malulugi ang gobyerno dahil ang mga kuwalipikadong pensioners lamang ang mabibigyan ng kaukulang pension at hindi na masasali ang mga disqualified, ani Manager Mario Mojica.

Noong hindi pa isinagawa ang “cleansing process” ay libo-libong mga disqualified pensioners ang nasasali sa pagbigay ng mga pension kaya malaki din ang inilugi ng pamahalaan.


Panawagan ni PGMA sa mamamayan

Inulit ni Pangulong Arroyo ang kanyang panawagan sa mamamayan upang tumulong na maiwasan ang alinmang political violence at makipag-ugnay sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Hindi maiwasan ang nangyayaring mga patayan na election-related dahil sa umiinit na kampanya at eleksyon. Nagbigay ng order si Pangulong Arroyo sa mga law enforcers na lalong palakasin ang kampanya at panatilihing mapayapa ang nalalapit na halalan.

Nilinaw din ng Malakanyang na ang civic actions na ginagawa ng AFP para matulungan ang mga mahihirap nating kababayan ay walang kinalaman sa pangangampanya ng administrasyon.

Hangarin ng pamahalaan na matulungan ang naghihirap na sector at ang civic actions na ginagawa ng AFP ay isa lamang sa mga pamamaraan upang makapagbigay ng libreng serbisyo para sa mga tao ang gobyerno, ani Press Secretary Ignacio Bunye. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ADB commits US$5.1-M for BIMP-EAGA in 2007
»Comelec La Union cleanses voters' list
»Food-for-school program continues in Samar this summer
»NFA to continue "food-for-school" in Iloilo
»Net FDI up by 51%, says BSP
»RP envisioned as retirement haven in Southeast Asia
»Cebuano News: Comelec milimpyo sa 1.1 ka milyon malimbungon nga mga botante
»Commentary: Economy to determine results of May polls
»Region 8 welcomes entry of Kasayuran News Network
»GSIS explains upgraded e-Card for pensioners
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines