Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 22 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/13

Tagalog News: Pagtatayo ng Bulacan Detention Center for Women, nakatakdang simulan

Ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS (13 April) -- Isang two-storey detention center para sa mga babaeng bilanggo ang nakatakdang simulan ang konstruksyon ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Arch. Amando Centeno ng Provincial Engineering Office, sisimulan ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng 18 milyong pisong Bulacan Detention Center for Women (BDCW) sa capitol compound pagkatapos ng halalan at ito ay tatagal ng dalawang taon.

Ani Centeno, bagamat may sariling pasilidad ang mga babaeng preso sa loob ng panlalawigang piitan, nais ni Gob. Josefina Mendoza-Dela Cruz na magkaroon ng hiwalay na gusali para sa kanila.

Base sa plano, ito ay may 12 selda at tig-22 kama ang magiging kapasidad ng gusaling ito na may laking 1,140 sq.m floor area.

Kumpleto rin ito sa mga pangunahing pasilidad tulad ng laundry area, washing area, open court (sunning area), activity/ eating area at nilaanan din ng mga ceiling fans.

Sinabi ni Gob. Dela Cruz na ang programang ito ang unang hakbang upang maihanda ang mga babaeng nakakulong sa kanilang pagbabalik pamayanan at mabigyan ng pagkakataon na makabangon para sa mas magandang bukas.

Matatandaan noong pinasinayaan ang Tanglaw Pag-Asa (Center for Youth Offenders), ipinahayag ni Dela cruz na isa sa kanyang mga prayoridad ang mabigyan ng maayos at makataong pasilidad at kasama na nga rito ang pagtatayo ng sariling detention center ang mga babaeng bilanggo para sa kanilang kumpletong rehabilitasyon.

Ayon pa rin sa gobernador, inaasahang magiging makabuluhan ang BDCW na magbibigay oportunidad para sa mga babaeng bilanggo na maging produktibo sa pamamagitan ng paglikha ng iba’t ibang produkto na maaaring maisabalutan sa kalapit na Packaging Center.

“Sa ganitong paraan, maaari na silang kumita habang ipinoproseso pa ang kanilang kaso.” paliwanag pa ni Dela Cruz. (PIA-Bulacan) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ADB commits US$5.1-M for BIMP-EAGA in 2007
»Comelec La Union cleanses voters' list
»Food-for-school program continues in Samar this summer
»NFA to continue "food-for-school" in Iloilo
»Net FDI up by 51%, says BSP
»RP envisioned as retirement haven in Southeast Asia
»Cebuano News: Comelec milimpyo sa 1.1 ka milyon malimbungon nga mga botante
»Commentary: Economy to determine results of May polls
»Region 8 welcomes entry of Kasayuran News Network
»GSIS explains upgraded e-Card for pensioners
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines