Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 November 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2017 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/16

Tagalog News: Dureza ikinalungkot ang panibagong sagupaan

Manila (16 April) -- Ikinalungkot ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang nangyaring sagupaan kamakailan sa pagitan ng militar at ilang tauhan ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamumuno ni Ustadz Habier Malik.

Niliwanag ni Dureza na ang hakbang ng militar ay hindi nakapokus sa MNLF, kundi sa grupo lamang ni Malik na may kagagawan at kabilang sa sunud-sunod na pagsalakay sa bayan ng Panamao kung saan nagdulot ng malaking casualties.

Tiwala naman si Dureza na ang mga tauhan ng MNLF sa Mindanao ay mapayapa at maayos nang namumuhay at hindi kinukunsinti ang pananalakay ni Malik.

Bago pa man sumalakay si Malik ay nananawagan na umano si Dureza na huwag ituloy ang planong pagsalakay. Ipinag-utos din nito sa mga tropang nakabase sa Sulu na huwag gumawa ng anumang hakbang habang walang nananalakay.

Umaapela ngayon si Dureza kay Malik at sa mga tauhan nito na tigilan ang karahasan, kasabay ng panawagan sa AFP na maging mahinahon at isipin ang magiging resulta kapag nagpatuloy ang mga pananalakay.

Matatandaan na lumagda ang pamahalaan ng pinal na peace agreement sa MNLF noon pang 1996 at mula noon ay nakipagtulungan sa iba’t ibang bansa, kabilang ang donor community, para mapabuti ang buhay ng mga dating mandirigma sa mga conflict-affected areas sa bansa. (ajph/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Canada needs highly motivated Filipino workers
»Cebuano News: Campaign ads sa GO makalagot tungod sa bakak - Claudio
»Cebuano News: Kauswagan kabahin sa Pandacan oil depot
»Former Speaker Nicanor E. Yniguez, 92
»Commentary: The people first
»Cebuano News: Pahayag ni Kalihim Ignacio Bunye mahitungod sa forecast sa IMF
»Statement of the President: Re: Manny Pacquiao's victory
»FG on continuing fast recovery - medical team
»Dureza: Sulu fighting unfortunate
»PGMA lauds Pacquiao's fighting faith
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines