Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 25 September 2017 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << September 2017 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2007/04/19

Tagalog News: Kaalaman sa pangangalakal at pag-iimbak ng palay, iminungkahi ng kooperatibang magsasaka

by Jun Demerey

Victoria, Laguna (19 April) -- Ang "San Benito Multi-Purpose Cooperative" ay binubuo ng dalampu't tatlong miyembro at opisyales. Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agrarian Reform ang kooperatiba ay napagkalooban ng "Multi-Pass Rice Mill" dahil kulang sa kaalaman kung paano patatakbuhin ang bagong makina minabuti ng mga miyembro ng kooperatiba sa pamumuno ni Ginoong Benjamin Villanueva na makipag-ugnayan sa National Food Authority.

Ang National Food Authority ang sangay ng pamahalaan na nakakaalam tungkol sa palay o bigas at isa sa mga programa ng pamahalaan ay ang magkaroon ng sapat na pagkain sa hapag kainan ang bawat pamilyang Pilipino.

Sa pulong ng mga miyembro ng kooperatiba at opisyales ng NFA ay napag-alaman na kailangan magsagawa ng isang seminar para sa mga miyembro ng kooperatiba tungkol sa: paraan ng pagkiskis (milling) ng palay, paano ang tamang pagiimbak (warehousing), at kung saan tamang ipagbili ang kanilang ani o palay.

Kamakailan ay isinagawa ang seminar/refresher course on "Grains Storage and Rice Milling Principles and Systems para sa mga miyembro ng kooperatiba, bukod sa mga nabanggit na kurso (sa taas) ito ay nadagdagan pa ng mga sumusunod: quality aspects of palay in elation to ricemilling, ricemilling economics and hands-on in rice milling.

Ang "San Benito Multi-Purpose Cooperative" ay isang magandang halimbawa hindi lang ng isang kooperatiba, ito ay magandang halimbawa ng isang samahan na ang layunin ay mapabuti ang antas ng kabuhayan ng mga kasamahan. Ang bilang ng miyembro ng kooperatiba ay humigit kumulang sa 242 na pawang mga residente ng Victoria (Laguna) at karamihan ay mga magsasaka. (PIA-MMIO Laguna Infocen) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»GMA: Gov't committed to end Mindanao conflict
»E-Commerce for farmers to hike their income - DA
»Feature: GK stalwart exhorts rise of Filipino spirit
»DOH celebrates children's health campaign this April
»Davao TMC prepares for traffic come opening of classes
»Davao del Norte lacks potable water, IGCoS needs more electric power
»Feature: Bridging the gap in the workplace
»Komentaryo: Kaguluhan sa Sulu, tigilan na
»US Peace Corps head thanks PGMA for support in rescue efforts for missing Campbell
»Virginia Tech massacre magnifies need to keep school campuses safe and secure - PGMA
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines